^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (21)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“ANG MAGIGING  baby natin, anak ni Kamatayan. Ako naman, misis ni Kamatayan,” napapailing-napapangiting sabi ni Lezzy.

“Noong panahon ni Cleopatra, uso na ang pagtitina ng buhok—alam mo ba ‘yon?”

“No, Negro Angelo, hindi ako palabasa. I’m a rich girl na ang tanging meron ay…pera.”

“Dapat baguhin mo ang katauhan mo. Try being good sa mga walang wala. Laluna sa mga kulang sa hustisya.”

Napakunot-noo ang dalagang spoiled. “Negro, napakarami nila. Balewala ang tulong ko.”

Mahinahong nagpayo si Kamatayan. “Just do your share, Lezzy. Sapat nang may mabuti kang intensiyon, it’s good for the soul.”

Sumalag muli ang dalagang walang pakialam. “Negro Angelo-NA-Kamatayan, ito pong girlfriend mong maganda ay batambata pa para mag-worry sa kaluluwa. Bayaan mo munang magsaya nang husto. It’s more fun in the Philippines, you know.”

Tumanaw sa malayo ang boyfriend. Napai­ling.

“What?  Ano na naman ang nakita mo?”

Umiling ito. Hindi pa kayang sabihin kay Lezzy ang balitang yayanig dito nang husto. “Nothing.”

“Baka may mamamatay na naman sa circle of friends ko?  Sabihin mo na agad.”

Iba ang sinabi ni Negro Angelo. “May world leader sa Europa na mamamatay. Iiyak ang mundo.”

“Sinong world leader?”

“Hindi ko puwedeng sabihin…bawal malaman nang una sa panahon.”

“Ikaw rin ba ang kukuha sa world leader na ‘yon?”

Natigilan si NA. “Ewan pa. Sana nga ay ako…”

Naintriga si Lezzy. “May iba pa bang tulad mo ang role--bilang si Kamatayan?”

“Hindi ko puwedeng sabihin. Mababago ang pananampalataya ng maraming tao.”

“Kailan ko malalaman kung aanakan mo ako ng tatlo?”

“Lezzy, hindi ka magkakaanak…”              

Bumalatay ang pagkamangha sa mukha ng dalaga. (ITUTULOY)

vuukle comment

ANO

BALEWALA

BAYAAN

BUMALATAY

DAPAT

EWAN

KAMATAYAN

NEGRO ANGELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with