^

Para Malibang

Nagtaksil sa boyfriend

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Emee, 24, single. Nagtatrabaho ako sa isang call center dito sa Ortigas at panggabi ang duty ko. Minsan sa bus na sinasakyan ko ay may nakilala akong guy. Umupo siya sa tabi ko. Napansin kong panay ang tingin niya sa akin at nginitian ko naman siya at doon na nagsimula ang pag-uusap namin. Call center agent din pala siya at nagtatrabaho di kalayuan sa office namin. Guwapo siya at very gentleman. Nagkaroon kami ng mutual understanding and before we knew it, we were going on dates hanggang sa may mangyari sa amin. Ang problema, mayroon akong bf. Nagtatrabaho siya sa Dubai sa isang hotel. Engaged na ako sa bf ko at sabi niya babalik siya after two years para magpakasal kami. Dito sa ka-MU ko lang naibigay ang aking pagkababae and I find it unfair kung itutuloy ko pa ang relasyon ko sa bf ko. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Emee,

Unfair talaga sa bf mo na nagpapakahirap para sa inyong kinabukasan na siya’y iyong pagtaksilan. Timbangin mo ang iyong damdamin at mamili sa kanilang dalawa. Mas mabuti kung ipagtapat mo sa bf mo sa Dubai ang nangyari para huwag lumabas na niloloko mo siya. Kung mapapatawad ka niya, better for you dahil nakahanap ka ng lalaking tapat kung magmahal sa iyo. Pero kung sa tingin mo’y hindi mo na mahal ang iyong bf, makabubuting makipagkalas ka na sa kanya para hindi na siya umaasa pa.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ANO

DEAR EMEE

DEAR VANEZZA

DITO

DUBAI

GUWAPO

MINSAN

NAGKAROON

NAGTATRABAHO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with