^

Para Malibang

Nagka-HIV

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa alyas na Phil, 30 anyos at may asawa. Isa po akong HIV positive. Natitiyak ko na nakuha ko ang sakit sa isang foreigner na babae dahil sa kanya lang ako hindi gumamit ng condom. Naisipan kong magpa-AIDS test dahil nga sa “kalikutan” ko sa babae. Sabi ko buti na ang nakakasiguro. Pero para akong binagsakan ng langit nang malaman ko na positibo ako. Posible po kayang nahawa na rin ang aking misis? Paano ko ito ipagtatapat sa kanya at ano ang gagawin ko?

Dear Phil,

Obligasyon mong magtapat sa iyong asawa. Hindi ko matiyak kung paano siya magre-react, pero malamang kamuhian ka niya dahil pati siya ay idinamay mo sa iyong kalokohan. Anuman ang maging consequence n’yan ay dapat mong harapin. Madalas ang mga bagay na nangyayari sa atin, mabuti man o masama ay bunga ng sarili nating gawa at kagustuhan. Makabubuti ring ipasuri mo sa doktor ang misis mo para malaman kung nahawahan mo siya ng iyong sakit. Sana’y natuto ka ng aral sa karanasan mong ‘yan.

vuukle comment

ANUMAN

DEAR PHIL

DEAR VANEZZA

ISA

ITAGO

MADALAS

MAKABUBUTI

NAISIPAN

NATITIYAK

OBLIGASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with