Lagim, #1 sa Prime Video
MANILA, Philippines — Hindi lang sa sinehan patok ang kababalaghang hatid ng KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie, dahil pati sa streaming platform ay humahatak ito ng viewers.
Number 1 movie nga sa Pilipinas as of this writing sa video streaming platform na Prime Video ang nasabing box office hit mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs.
Winner din kasi ang movie buff dahil tatlong kuwentong magpapatindig-balahibo ang kanilang mapapanood na isinalaysay pa ni Ms. Jessica Soho.
Sa direksyon ni Yam Laranas, bida sa Pocong si Miguel Tanfelix. Isinulat ito ni Laranas at Onay Sales-Camero.
Sina Sanya Lopez at Elijah Canlas naman ang mapapanood sa Berbalang, mula sa patnugot at direksyon ni Dodo Dayao.
Ibang klaseng Jillian Ward din ang mapapanood sa Sanib, mula sa obra ni King Mark Baco at panulat nina Anton Santamaria at Onay Sales-Camero.
Blood vs Duty, last few weeks na?!
Tuliro at tila may pagsisisi ang Bela Padilla na napapanood ngayon sa Blood vs Duty pagkatapos humarap ang karakter niya sa matinding pagsubok sa pambomba ng isang bus, na magdadala sa kanya sa pakikipagtuos sa kanyang ama at posibleng kamatayan.
Sa inilabas na teaser ng JRB Creative Production noong Biyernes (Hunyo 26), desperadong haharapin ni Agent Lara Angeles (Bela) si Datu Rahman (Jamie Fabregas) upang malaman ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga tunay na magulang.
Alamin sa Blood vs Duty, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, 8:45pm. Ipinapalabas din ito on demand sa Netflix at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Samantala, ang chika, nasa last few weeks na ito. Kaya mas matindin na ang mga eksena.
- Latest




















