Maureen, na-bash!

Na-bash ang ex-beauty queen na si Maureen Wroblewitz dahil sa naging komento nito tungkol sa dati niyang karelasyon na si JK Labajo.
Sa TikTok video niyang ipinost na may caption na “this was like 1am and our 10th #mauiwowie #boyfriend #couple” kung saan nakalambitin siya sa braso ng boyfriend niyang si Noah Steinbuch ay merong follower na nagkomento ng “hindi ka ba na de-dejavu beh?”
Hindi naman pinalampas ng Asia’s Next Top Model winner ang sinabi ng netizen at sinagot nito ng “No cause my bf is the complete opposite lol,” na hindi nagustuhan ng fans ng singer-songwriter.
Panay raw ang shade ni Maureen sa ex pero hindi raw nito malantad kung ano talaga ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng Ere singer at kung ano ang mali kay JK.
Tila hindi raw ito maka-move on kahit ito diumano ang nakipaghiwalay.
Habang may bashers naman na nakapansin na tila may hawig daw ang bago niyang boyfriend kay JK.
Depensa naman ng fans ni Maureen, wala naman daw mali sa sinabi nito dahil technically ay magkaibang tao naman daw ang ex at current boyfriend niya. Huwag na raw sanang gawing isyu pa ang komento nito.
Sana raw ay tantanan na rin nila ito dahil pareho naman na silang masaya sa mga bago nilang karelasyon – si JK kay Dia Mate.
- Latest

























