^

Pang Movies

Aktor, binantaang idedemanda!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Wala pa palang nangyaring solusyon tungkol sa kontrobersyang kinasangkutan ng isang sikat na aktor.

Ayon sa aming source, gipit din daw ang mga taong naagrabyado umano niya at kapag hindi nagawan ng paraan ng aktor ang hinihingi eh  mauuwi sa demandahan ang nangyari.

Kapansin-pansin naman daw ang kawalan ng tulong ng mga malapit sa aktor dahil maimpluwensiya rin ang mga ito.

Walang bahid-dungis ang image ng aktor na pawang good deeds ang alam sa kanya.

Pero alam niya rin dapat ang responsibilidad niya sa taong nakakatulong sa kanya na capable ring magbayad ng tutulong sa kanila, huh!!

KimPau, maingay sa fans

Umani  ng papuri ang poster ng MMFF entry ng Quantum Films na A Perfect Marriage nina Kim Chui at Paulo Avelino.

Sa festival entries na ito this year, ang Kimpau movie na yata ang pinaka-maingay dahil sa fans.

Marami silang balak sa promotions ng movie gaya ng caravan at iba pa para  mas lalo itong umingay pa!

Hindi pa lumalabas sa publiko si Kim na kung anu-ano nang tsismis ang lumalabas, huh!

Hindi puwedeng hindi siya lumabas dahil may requirement ang MMFF na dapat may kasamang cast ang bawat  movie na kasali sa activities na gagawin pagdating December, huh!

CASE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with