Nene at Daniel, binuhay ang alaala nila sa PBB

Binalikan nina Nene Tamayo at Daniel Matsunaga ang kanilang pagiging housemate sa Bahay ni Kuya at ang mga karanasang hindi nila malilimutan sa Pinoy Big Brother.
Ayon kay Daniel, binago ng PBB ang kanyang buhay. “Actually, it changed my life. Lalo sa mga experience sa loob. It’s a very different world, environment. You live without money, you live without electronics. Nandun lang ‘yung housemates mo, tapos everyday may task, task, task. Wala kang food, puro munggo tsaka kanin,” ani niya.
Naalala naman ni Nene na wala pang social media noong sumali sila noong 2005. “Wala pang social media noon. Friendster pa noong time na ‘yun. One text pa lang po noon. Nagtse-check operator services pa ‘pag nagbobotohan,” kwento niya.
Ibinahagi rin ni Daniel ang kanyang pekeng eviction. “‘Yung sa akin. It was a fake eviction. Kami mismo nag… we had parang computers and batuhan kung sino ang deserving, kung sino ang hindi. In the end, I was chosen to be evicted. Tapos bumalik ako kasi it was a fake eviction. Nobody knew. So parang surprise lang ako. ‘Hello! Hi! Bumalik ako. Kamusta kayo?’” dagdag niya.
Naalala rin ni Nene ang forced eviction noon. “Sa amin po, forced evictee talaga si Bob (Jun Bob Dela Cruz) because of medical concern. Nasa house rules po kasi ‘yun na if you are out of the house more than 24 hours. So it was very emotional for all of us,” aniya.
Hindi rin nakalimutan ni Nene ang kontrobersyal na utos ni Kuya na sunugin ang pantalon ni Uma Khouny. “Kasi susunugin ba naman ‘yung pantalon ni Uma? Eh sabi ng nanay ko, okay lang na manakawan ka pero huwag ka magsusunog ng gamit kasi malas ‘yun,” paggunita niya.
Si Nene ang Big Winner ng Season 1, habang si Daniel naman ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: All In noong 2014.
- Latest



















