Javi, may patutsada sa Women’s Day!

MANILA, Philippines — Naging usap-usapan ang post ni Victorias City Mayor Javi Benitez tungkol sa International Women’s Day na tila may pinasasaringan.
Aniya, “Happy International Women’s Day to all strong and empowered women... except sa mga mahilig manira ng pamilya. Hindi yan empowerment. (relieved face at red flag emoji)
Respect real queens.”
Ikinonek naman ito ng mga netizen sa sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi.
Maaalalang naintrigang may relasyon diumano ang ama ni Javi na si Bacolod Mayor Albee Benitez sa Kapamilya actress matapos kumalat ang video nilang magkasama sa airport nakaraang taon.
Pero agad na itinanggi ng aktres ang relasyon sa Bacolod Mayor at sinabing isang businessman at hindi pulitiko ang karelasyon niya.
“This will be the first and last time na magsasalita ako tungkol dito. HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez. I met him when I had work in Bacolod. He was very accommodating and friendly. At hindi lang sya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan,” pahayag niya noon sa kanyang Facebook post.
Nagsalita rin noon ang tatay ni Javi at humingi ng tawad kay Ivana at sa pamilya nito kung saan itinanggi rin nito ang relasyon nila.
“Speculations involving Ms Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter,” sey naman ni Mayor Albee.
Sinabi rin nito sa isang interview na wala raw problema kung sakaling totoo man iyon dahil matagal na silang hiwalay ng misis na si Mrs. Nikki Benitez, na itinanggi naman ang tungkol sa hiwalayan nila.
Wala raw silang anumang napag-usapan tungkol sa “separation or annulment.”
Nang matanong naman ulit si Ivana kamakailan sa kanyang Thanksgiving party tungkol sa patuloy na pang-iintriga sa kanya kay Mayor Albee ay nanatiling dedma at unbothered ang vlogger at aniya, “Wala akong sinisirang pamilya.
- Latest






















