^

Pang Movies

Anne, Ogie at Karylle, balik-bayan!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., inasahan na parang fiesta ang atmosphere kahapon sa bakuran ng ABS-CBN at GMA dahil ito ang araw ng pagsisimula ng top-rating and long-running noontime show na It’s Showtime nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, et al sa GMA Network na dating okupado ng longest-running noontime show on Phi­lippine television (and maybe throughout the world), ang Eat Bulaga kung saan ang mga poste ay sina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon.

Destiny na maituturing ang pagiging magkaalyansa ngayon ng dating magkaribal na dalawang major TV networks, ang ABS-CBN at GMA.

Sina Anne Curtis, Ogie Alcasid at Karylle ay pare-parehong sa GMA nagsimula bago sila lumipat ng Kapamilya network pero ngayon ay tila ‘nagbalik-bayan’ ang tatlo sa bakuran ng Kapuso network dahil sa It’s Showtime na napapanood na ngayon on GMA.

Samantala, pinaghandaan din ng TV5 at ng TVJ Productions ang pagsisimula ng airing ng It’s Showtime on GMA na siya pa ring katapat ng Eat Bulaga na napapanood na ngayon sa Kapatid network, kung saan napanood si Andres Muhlach na isa sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.

Yasmien, sabik nang manganak!

Sa kabila ng pagbubuntis (sa kanyang second child) ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ay nakuha pa rin nitong mag-aral ng Pastry and Bakery Arts sa APCA Philippines na kanyang tinapos nung nakaraang March 24, 2024.

“I can’t believe it!  I thought I couldn’t do it because of my pregnancy but It did it!  I’m so happy,” post ng actress sa kanyang IG account.

In a couple of weeks ay nakatakdang isilang ni Yasmien ang kanilang second child ng husband niyang piloto na si Rey Soldevilla at magiging ‘big sister’ na rin ang kanilang 10-year-old daughter na si Ayesha who’s turning 11 on Nov. 22.

Si Ayesha na mismo ang nag-request sa kanyang parents na huwag na munang i-reveal ang gender ng kanyang magiging younger sibling until the delivery of the baby dahil gusto niyang masorpresa sila sa paglabas ng baby kung baby boy o baby girl ito.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with