^

Pang Movies

Shaira at EA, takot matulad sa KathNiel  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Shaira at EA, takot matulad sa KathNiel         
EA at Shaira

May pangamba ang fans nina Shaira Diaz at EA Guzman na baka mauwi rin sa hiwalayan ang matagal nilang relasyon.

Eleven years na rin pala ang relasyon nina Shaira at EA. Kasing tagal ng relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nauwi sa breakup.

“Ang maganda sa amin ni Baba (term of endearment niya kay EA), pinaplano namin, inaalam namin kung ano ‘yung magiging timeline ng bawat isa. Para alam namin kung ano ‘yung next move namin. Sinecure namin ‘yung isa’t isa, lalo na si Baba, sinecure niya ako na, ‘kahit abutin tayo ng ilang taon, maghihintay ako’,” sey pa ng Unang Hirit Morning Sunshine.

Kung may isang dahilan daw para magwakas ang relasyon nila, iyon ay kung ma-confirm ni Shaira na may ibang babae itong kinahuhumalingan.

Kung yayayain daw siya na magpakasal sila nito, dapat daw ay after na raw ng graduation niya. Bumalik sa pag-aaral si Shaira noong 2019. Kumuha siya ng kursong marketing and management sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

Sanya, naalala ang lumang pangalan

Naging bonding nina Barbie Forteza at Sanya Lopez ang pag-aral nila ng tap dancing na kakailanganin nila para sa epic teleserye na Pulang Araw.

Sa Instagram ay pinost ni Sanya ang tap dancing class nila at ang special shoes na gamit nila na may pangalan nila. Caption pa ni Sanya ay “DelaCruz X Borromeo.”

Ang Pulang Araw ay ang ikalawang teleserye na pinagsamahan nila. Una silang nagkasama sa The Half Sisters noong 2014 pa. Gamit pa na pangalan ni Sanya noon ay Shay Roberto.

Magbabalik din si Sanya bilang si Danaya sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Taylor Swift, pinarangalan ng time

Muling nakakuha ng bagong achievement si Taylor Swift after siyang mahirang bilang isa sa People’s Most Intriguing People of the Year at Forbes’s Top 5 Most Powerful Women.

Napili ang Anti-Hero singer bilang Time Magazine’s Person of the Year.

“This is the proudest and happiest I’ve ever felt,” sey ng 33-year old singer-songwriter.

Ayon sa Time: “The award goes to an event or person deemed to have had the most influence on global events over the past year.”

vuukle comment

SHAIRA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with