^

Pang Movies

Vilma, saludo kay Jessy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vilma, saludo kay Jessy
Vilma Santos at Jessy Mendiola

Sobra ang pagkaa­liw ni Star For All Seasons Vilma Santos sa kanyang apong si Peanut na ngayon pa lang ay kine-claim na niyang nagmana sa kanya.

Tuwang-tuwa niyang sey sa kanyang panayam sa vlog ni Cristy Fermin, napakaganda raw ng kanyang apo sa personal. “Alam mo kasi, ‘yung ganda niya, when you see her in person, very fine. ‘Yung ganda niya, hindi ‘yung sharp. Kaya ‘pag tinitigan mo siya, ‘yung fragile na fragile ang hitsura niya,” pagmamalaki ni Ate Vi.

“Tapos, artista pa, marunong sa camera! Eh di tuwang-tuwa si Momsy (lola Vi). Alam mo, ‘pag alam niyang may camera, titingin ‘yun sa camera. Pagtingin niya sa camera, alam niya.

“Tapos, pagtingin niya sa camera, bibigyan ka niya ng isang smile na… flirting with the camera! Marunong!” sey pa ng Star for All Seasons.

Bale ba ay kaliwete rin daw si Peanut just like her at pareho rin daw silang curly hair. “Kaya sabi ko, ‘oh my God, artista ang apo ko,’” sambit pa ni Vilma.

Puring-puri rin niya ang manugang na si Jessy Mendiola sa pag-aalaga kay Peanut at sa asawang si Luis Manzano. “Saludo ako kay Jess. Kasi ako, kasama ko, nasa bahay sila every Sunday, nakikita ko talaga kung paano talaga alagaan. Hands on talaga si Jess sa baby niya, kay Peanut and for that, I salute her kasi iba ang touch ng isang nanay, eh kesa nasa yaya and nakikita ko ‘yun kay Jess kaya lalo kong namamahal si Jess,” sey pa ni ate Vi.

Ruru, sure na kay Bianca

Tandang-tanda pa ni Ruru Madrid ang araw na sinabi ng girlfriend na si Bianca Umali na gusto nitong magpa-convert sa kanyang relihiyon na Iglesia ni Cristo.

Sa guesting ni Black Rider sa Fast Talk with Boy Abunda, proud na binalikan ng aktor ang panahong iyon. “Noong mga panahong nililigawan ko pa lang po si Bianca, naging honest na po ako sa kanya. Sinabi ko po sa kanya na ‘eto, kailangan sa ‘min, Iglesia ni Cristo rin,’” simula ni Ruru.

Pero never daw niyang pinilit ang aktres dahil ayaw din naman niya na magpapa-convert lang ito dahil sa kanya. “Hindi kami uusad kung du’n siya manggagaling,” anang aktor.

“Nagulat na lang po ako one day, birthday po niya, bigla niyang sinabi sa ‘kin na ang gusto raw niyang gift para sa sarili niya ay faith kay God. At gusto raw po niyang makinig ng aral ng Iglesia ni Cristo,” pagre-recall ni Ruru.

At that moment, alam na raw niya na natagpuan na niya ang babaeng makakasama niya habambuhay.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with