^

Pang Movies

Matigas… ni Sen. Bong, may season break

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Matigas� ni Sen. Bong, may season break
Bong at Beauty

Magkakaroon pala ng season break ang action-comedy ni Sen. Bong Revilla na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, kaya kahit nagre-rate ang show, pansamantala muna itong matitigil.

Nabanggit na rin naman ni Bong at ni Director Enzo William at isang bossing ng action-comedy series na may season 2 nga ito at baka sa season 2, kasama na si Ronnie Ricketts. Dapat kasama si Ronnie sa series, biglang napalitan ni Jeric Raval dahil sa conflict of schedule raw.

Hanggang Aug. 20 na lang ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis at papalitan muna ng The Voice Generations na iho-host ni Dingdong Dantes.

Babalik din ang Daig Kayo ng Lola Ko simula Aug. 13, ito ang papalit sa Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz na hanggang Aug. 6 na lang.

Bib na hawak ng aktres, ayaw tantanan

Ang talas ng mga mata ng netizens na pati ‘yung hawak na kung ano ng isang magandang aktres sa larawan niya at mga kaibigan ay nalaman nilang bib daw na ginagamit sa mga bata. Matagal na kasing nababalitang may anak na ang aktres at boyfriend nitong aktor and in fact, ang larawan ng aktres ay kuha raw sa binyag ng anak nila ng aktor.

May nagsabi namang panyo ang hawak ng aktres na may kumontra dahil malaki raw ang hawak ng aktres para sabihing panyo ‘yun. Ang nangyari, sinu-zoom ng mga nakakakita sa larawan ang hawak ng aktres, pero malabong malaman kung bib ‘yun o panyo lang talaga.

Palaisipan din kung anong okasyon ang dinaluhan ng aktres at ng kanyang actor partner dahil sa mga lumabas na photos, walang nakasulat kung para saan ang handaan at kung saan ang venue. Alam lang na handaan ‘yun dahil may mga mesa sa paligid, may food sa at may cake pa nga.

Dalawa ang hula ng netizens, kundi raw binyag ay birthday ng anak ng aktres at ng aktor, mas malamang na birthday dahil matagal nang nabalita ang panganganak ng aktres.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with