^

Pang Movies

Sharon dumalo sa binyagan ng baby nina Coco at Julia!?   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon dumalo sa binyagan ng baby nina Coco at Julia!?              
Julia, Sharon at Alden

Panay ang tanong ng netizens kay Sharon Cuneta kung saang event kuha ang mga larawan na ipinost niya last Sunday sa kanyang Instagram kung saan ay napakarami niyang kasamang mga artista.

Tila sa isang restaurant naganap ang event. May larawan siyang kasama sina Coco Martin, Julia Montes, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Alden Richards at mga dating cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa isang larawan ay kasama niya sina Albert Martinez, Cherry Pie Picache at John Estrada. Caption ni Megastar na mga nakasama niya sa FPJAP. Caption ni Megastar, “Reunion plus plus!!!”

Sa mga litrato namang kasama niya ang KathNiel at si Coco, caption lang niya, “Kathniel and my Coco!!!”

May mga kuha rin sila ni Dimples Romana at caption naman niya, Diiiimplesssss!!!! I love this woman!!?”

Sa photo naman na napapagitnaan siya nina Julia at Alden, ang bongga ng caption ni Shawie.

“My beloved daughter @montesjulia08 and my beloved son @aldenrichards02 !!! once, kakie, miel and i were talking. They love Julia and Alden so much because they make me happy. And then they said that since I lost two babies before Kakie, baka daw si Julia at Alden ang padala nila at ni Jesus sa akin na angels, parang sila on earth to be with me. Nakakatouch itong sila Kakie at Yellie. Si Miguel din. Sa puso nila Ate at Kuya nila si Julia at Alden. Awwww…” she wrote.

May mga larawan din siya with Angel Aquino and Shaina Magdayao na nakasama niya rin sa FPJAP. Caption naman ni Mega, “Ooooh I’ve missed them both so much! My Angel and baby Ina!”

Sa comment section, ang lahat ay nagtatanungan ng “anong event ito?” at kanya-kanya na ngang hula ang mga fans.

Kapansin-pansin sa ilang larawan ang blue cake sa background na may nakalagay na “God bless Popoy.” May mga blue and white balloon arrangement din na makikita sa ilang tables. And of course, hindi ito nakaligtas sa paningin ng mga fans.

Hula nila ay tila binyag ito base nga sa nakalagay sa cake, gayundin sa mga balloon arrangements.

Komento ng isang netizen, “christening, look at the photos... All people close to julia are there plus the cake it says God bless Popoy.”

Pati ang nasa kamay ni Julia sa isang photo na parang baby stuff ay napansin ng isang netizen.

“Ung hawak ni juls talaga eh, bib ba yan? So proud of you juls, God bless baby Popoy!” sey ng netizen.

Hula naman ng isa pa, “parang binyag or bday ng baby nila Coco Julia.”

Hirit naman ng isang IG user, “Omg!!! Julia & Coco’s wedding? Char.”

May nagtanong naman ng “ninang po ba kayo?”

Well, nakaka-curious naman talaga kung anon’g event ito para mapagsama-sama mo sina Sharon, Coco, Julia, KathNiel and Alden. Obvious naman sa mga larawan na parang celebration ito at hindi ‘yung tipong meeting for a project or work-related stuff.

Maja naiyak sa wedding gown

“Very bride,” lang ang deskripsyon ni Maja Salvador sa wedding gown na isusuot niya sa nalalapit na kasal nila ni Rambo Nunez.

“Nung sinukat ko, naiyak ako,” pag-amin niya sa latest vlog ni Dra. Aivee Teo.

“’Di ba, pag ‘yon, pag naiyak ka daw, ‘yon na ‘yon,” dagdag pa niya.

Maging ang mommy nga raw ni Rambo ay naiyak sa gown na ‘yun.

“Naiyak din siya. Parang sabi niya, ‘I think, that’s it. So, ‘yon,” kwento pa ng bride-to-be.

 Hindi pa nire-reveal ni Maja ang design ng kanyang wedding gown at kung sino ang designer at malalaman na nga lang siguro sa mismong kasal na very soon na.

Maging ang mga detalye sa wedding ay hindi pa rin nila inilalabas. Basta’t ang kinumpirma lang nila in the past interview ay ngayong July, 2023 ito at ang balita ay sa Bali, Indonesia ang kasal.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with