^

Pang Movies

Paolo, naghahanda sa anniversary ng EB!

Gorgy Rula - Pang-masa
Paolo, naghahanda sa anniversary ng EB!
Paolo
STAR/ File

Babalik na si Paolo Contis sa Eat Bulaga ngayong araw, pagkatapos niyang nawala ng halos dalawang linggo dahil sa pelikulang ginawa niya sa Tasmania at Melbourne, Australia kasama sina Patrick Garcia at Kaye Abad.

Sabi ni Paolo, pagbalik niya ay aalamin niya kung paano nila ipagdiriwang ang 44th anniversary ng Eat Bulaga sa July 29.

Sabi niya nang nakapanayam namin sa DZRH nung Biyernes ng gabi, “Definitely, it will be very big, it will be very grand.

“Katulad nga po ng sinasabi ko lagi. ‘Yung sini-celebrate po natin ay ‘yung show. Sini-celebrate po natin ‘yung institution ng Eat Bulaga.

“We’re not celebrating the past, we’re not celebra­ting the hosts. We’re celebrating the people who has been supporting the show for the longest time.

“Kami po ay taga-host lang ng show. Pero ang isi-celebrate po natin ay ‘yung show ‘ikanga.”

Mukhang may selebrasyon din ang TVJ sa E.A.T. pero sabi nga ni Paolo, hindi naman daw ito sa mga hosts kundi sa show na para sa mga tao.

Pero ang isa sa wish ni Paolo na sana isa sa mga araw na ito ay makakasalubong daw niya ang mga dating taga-Eat Bulaga, lalo na sina Tito, Vic and Joey.
Bukas daw siya sa posibilidad na makatrabaho ang ilan sa legit Dabarkads.

Pops, nanibago sa mga Gen Z

Aminado si Pops Fernandez na naninibago raw siya sa mga bagong awitin ngayon ng mga Gen Z.

Iba raw sa mga awitin na pinasikat nila noon.

Napag-aralan naman daw niya at nakanta niya itong mga bagong awitin sa kanyang programang For The Love na magsisimula na sa July 29 ng 3:20 ng hapon sa TV5.

Sa programang ito ay may isang awiting isasadula nila, at karamihan ay mga bagong kanta ng Viva Records.

Dito niya nakakanta ang Mahika ni Kitchie Nadal, Ligaya ng This Band, Pag-ibig Lang ng The Juans at marami pa.

Mabuti at nakakanta naman daw niya ang mga bagong awiting ito.

“I had to learn a lot of songs. And again, I don’t mind it. Medyo natsa-challenge lang ako,” napapangiti niyang pahayag.

Dito sa For The Love ay kakantahin din ni Pops ang ilan pang kanta ng Viva Records, kagaya ng Kahit Kailan na version nina Hans Paronda and Edsel ng Ppop Generation, Before I Let You Go ng Freestyle, Pagdating ng Panahon, at marami pa.

Maganda lang daw panoorin na makaka-relate ka sa kinakanta niya, maaring makaka-relate ka rin sa kuwento ng kantang ito na ipi-feature nila sa For The Love.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with