^

Pang Movies

Herlene, nagpaliwanag sa pagiging cause of delay!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Herlene, nagpaliwanag sa pagiging cause of delay!
Harlene
STAR/ File

Sinagot ni Herlene Budol ang tsikang kumakalat na cause of delay umano siya sa taping ng Magandang Dilag dahil mas inuuna pa niya ang kanyang ibang commitments.

Ayon sa Binibining Pilipinas 2022 first runner-up, hindi naman daw maiiwasan talaga na may commitments siya sa labas pero maayos naman daw na nai-schedule.

“Hindi naman po maiiwasan ‘yung mga ganu’ng bagay. Give and take naman po kami sa mga tapings, schedules, sa mga ibang lakad ba. ‘Yung mga outside world naman na schedule, obligasyon din naman kasi ‘yun,” paliwanag ni Herlene sa mediacon ng Magandang Dilag kahapon.

Pero hindi naman daw siya nagiging cause of delay sa set.

“Wala naman pong issue. Hindi ko alam kung saan nangggaling ‘yung mga laging write-up tungkol sa akin. Pero happy po ako, salamat po ng marami sa mga nagra-write up po sa akin. Good or bad, publicity is still publicity,” she said.

Maging ang co-stars ni Herlene sa serye partikular na nga ang veteran stars na sina Chanda Romero at Sandy Andolong ay puring-puri ang professionalism at dedication ng dalaga sa trabaho.

Ayon kay Chanda, first meeting pa lang daw niya kay Herlene ay alam na niyang hindi siya mahihirapan sa bagong aktres.

“Kahit na wala siyang tulog, kahit pagod na pagod siya, she had so many things on her plates. I love her also because she respects her colleagues, she respects our time, our effort, she knows that this is a craft. Hindi talaga ako mahihirapan sa kanya. I like her from the very start and I just like her even more,” sabi ni Chanda.

Kapag nate-take 2 nga raw ang dalaga ay iiyak na raw sa kanya dahil sa sobrang hiya at panay ang sorry.

Ayon naman kay Sandy, hindi raw talaga mahirap mahalin si Herlene dahil napakamarespeto raw nito at gustung-gusto niya ang pagka-real and honest nito.

Samantala, first solo teleserye ni Herlene ang Magandang Dilag at naging emosyonal nga siya habang nagpapasalamat sa GMA 7 sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Magsisimula na sa June 26 ang Magandang Dilag at mapapanood weekdays at 3:25 p.m. on GMA Afternoon Prime and Pinoy Hits. Kasama rin sa cast si Benjamin Alves bilang leading man, Rob Gomez, Adrian Alandy, Maxine Medina, Bianca Manalo at marami pang iba.

vuukle comment

GMA

HARLENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with