^

Pang Movies

Courtesy of her sugar daddy, mestisang aktres may collab sa Korean-pop stars

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Natutupad na ang pangarap ng isang mestisa at medyo seksing aktres na makakasama ang K-pop stars at iba pang Asian stars dahil jackpot siya sa kanyang bagong sugar daddy.

Yes, ang mestisa ngayon ay pupunta sa ibang Asian countries upang makipag-collab sa producers sa nasabing bansa.

Kung hindi siya ang bida eh co-producer naman siya, huh! Eh ‘yung isang bilyonaryong kinabitan niya, wala namang natupad sa pangako niya.

Anytime now eh aalis na ng bansa ang mestisang aktres upang maging bida sa isang show na sa ilang Asian countries ipalalabas!

Dinaig pa niya ang isang seksing artista na gumagastos sa K-pop idols upang mapansin, huh!

Kim at Jerald, susubukang mag John en Marsha

Makabagong John en Marsha ang magiging character ng showbiz couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles sa bagong sitcom ng TV5, Cignal, Sari-Sari at Viva sa Team A.

Of course, ang mga yumaong sina Dolphy at Nida Blanca ang bida sa sitcom na naging basehan ng ilang family sitcom hanggang ngayon.

Eh sitcom, magbabalik si Anjo Yllana na bihasa na rin sa comedy. Humingi talaga siya ng trabaho sa Viva lalo na’t wala na siya sa Eat Bulaga.

Relate na relate nga sina Jerald at Kim sa Team A lalo na’t parang everyday life ng buhay nila ang mapapanood sa Team A.

vuukle comment

KOREAN STARS

SUGAR DADDY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with