^

Pang Movies

Kylie at Vin, inaabangan ang bakbakan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kylie at Vin, inaabangan ang bakbakan!
Vin

Parehong nasa GMA 7 na ang mag-asawang Vin Abrenica at Sophie Albert na galing sa TV5. Kung hindi kami nagkakamali, kasama si Sophie sa cast ng Stolen Life, pero hindi ito ang first project niya sa Kapuso network.

Si Vin, nag-guest sa Lolong, pero dito sa Mga Lihim ni Urduja, malaki ang role niya at mahaba ang partisipasyon. Siya si Onyx, ang main villain at leader ng bounty hunters na naghahanap ng mga hiyas ni Urduja.

Sabi ni Vin sa mediacon, “very challenging ang Onyx role, enjoy ako kahit may big demand sa akin. This is my first series sa GMA at may high demand to deliver. Ginawa ko ang best ko.”

Sa teaser, ipinakita ang ilang eksena ni Vin sa mythical megaserye at bagay sa kanya ang kontrabida role. Marami rin siyang action scenes na gagawin at looking forward ang Kapuso fans sa fight scene nila ng former hipag niyang si Kylie Padilla. Sabay silang nag-training, pero wala pa pala silang eksena na magkasama.

May nagtanong na fan kung ano raw kaya ang masasabi ni Aljur Abrenica na umalis siya, heto at ang kapatid niyang si Vin ay kinuha ng GMA?

Barbie at David, first time sa mall show

May pa-Thanksgiving Fans Day sina Barbie Forteza at David Licauco sa Feb. 26, 3 p.m., sa Activity Center ng Ayala Malls Cloverleaf. Sunday ito, two days after magtapos ang Maria Clara at Ibarra o MCI. Malalaman kung susuportahan pa rin ng fans ang FiLay love team ng dalawa kahit tapos na ang #MCI.

Sabagay, hindi magtatapos ang love team nina Barbie at David after #MCI dahil may mga kasunod na silang projects. Hindi na nga lang FiLay ang itatawag sa tambalan nila kundi BarDa for Barbie and David.

First time nila na mag-mall show dahil nakikita sila sa presscon, award ceremony at behind the scenes ng #MCI. First public appearance nila ito at excited na ang FiLay fans, lalo at nag-tweet si David ng “See youuu.”

Problema ito ng FiLay fans na malayo sa Cloverleaf, wish nila may FB Live para makita nila ang mga ito on the said day. I’m sure, ‘pag nakita na ng fans na magkasama ang dalawa, mawawala na ang tampo nila kay Barbie sa pagpo-post nito ng photos at vlog sa Valentine’s Day date nila ni Jak Roberto.

Nabasa namin, ang daming hugot ng FiLay fans sa ginawa ni Barbie, binash ito at si Jak, eh, matagal nang may relasyon ang dalawa. Saka, love team lang sina Barbie at David dapat ngayon pa lang tanggapin na ito ng FiLay fans para walang expectation at walang masasaktan at iiyak.

vuukle comment

VIN ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with