^

Pang Movies

Pamimigay ng mga award, ordinaryo na lang   

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nauungkat hanggang ngayon ang 1994 Manila Film Festival Scam, na sinasabi nila ay dahil sa “bardagulan.” Pero ano ba ang lumabas sa mga pangyayaring iyan? Sa simula pa lang ng kasong iyan, actually natatandaan namin, tinawagan agad kami ng kaibigan naming si Bibsy Carballo matapos ang pangyayari at habang nagkakagulo na sa noon ay Manila Ramada Hotel, kung saan ginanap ang awards night.
Matagal kaming nag-usap, at ang sinasabi namin sa kanya noon pa, hindi namin alam kung ano ang gagawin ng prosecution sa kasong iyan dahil hindi nasasaklaw ng anumang batas ang mga awards. At ano nga ang kinalabasan sa ending, may umamin man na may kagagawan noon, hindi nila alam kung ano ang isasampang kaso. Isinampa nila ang isang kasong estafa, dahil may premyo raw na pera kasama ng awards.
Ito ang punto namin ngayon. Mula noon hanggang ngayon, wala pa ring batas na nagagawa na sasaklaw sa awards na iyan. Aba kung iisipin mo ngayon may nangyayaring hindi lang estafa, halos plunder na dahil ganoon kalaki ang perang involved sa “ayusan” ng mga award. Wala ring control kung sino ang magbibigay ng awards. Maski ang mga nagtitinda ng pang-hinuli, bato ng lighter, case ng cellphone, at sex toys sa Avenida, maaaring magbigay ng acting awards kung gusto nila. Maaari silang maningil sa kung sino man ang bibigyan nila ng awards. Walang batas eh, walang regulasyon. Magugulat ka ngayon, sasabihin best actress pero ang nagbigay ay mga guro sa isang mababang paaralan sa Nueva Viascaya. At sa rami, hindi nananiniwala ang mga tao sa awards.
Magbigay man sila ng award, wala nang pumapansin kasi makalipas lang ang ilang araw may bagong awards na naman. Mayroon namang award giving body na talamak, at hayagan na ang anomalya, pero siyempre tinatangkilik pa rin ng mga gustong manalo.
Hindi lahat ng awards pinaniniwalaan namin. Ang isang pinaniniwalaan namin ay iyong Eddys ng editors ng diyaryo. Kasi bukod sa alam mong editors sila at hindi nila ilalagay sa kahihiyan ang mga lehitimong diyaryo na kinakatawan nila, wala pa kaming naririnig na anumang anomalya sa awards na iyan.
Mayroon namang wala ngang anomalya, pero kung sabihin naman nila “sila-sila, kami-kami, tayu-tayo” ang sistema ng pamimigay ng awards. Mayroon namang iniabot lang sa isang basketbolan, awards na rin. Panahon na para gumawa ng isang batas na magiging pamantayan at maglilimita sa mga grupong makapagbibigay ng acting awards.

Hindi iyong nagbibigay ng awards dahil lamang pinadalhan ng isang kahong peanut butter, o isang kahong makeup. Marami pa ring nagaganap na scam sa awards ngayon, at hindi na mapigil iyan. Nasa atin na lang kung paniniwalaan natin o hindi. Basta sinabing nanalo, at may duda tayo, di huwag na lang muna nating pansinin, kasi nga wala namang batas na may kinalaman sa acting awards. Wala ring ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng regulasyon, at wala iyan sa mandato ng alin mang ahensiya ng gobyerno kaya hindi rin sila dapat makialam.

vuukle comment

AWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with