^

Pang Movies

Alfred, nag-alala kay PM

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alfred, nag-alala kay PM

Kitang-kita mo ang pagmamahalan nina Alfred at PM Vargas sa ginanap na meet and greet noong isang araw.

Napansin mo ba ‘yung pagiging very kuya ni Alfred kay PM Vargas?

Siguro nga nang merong nagbanta sa buhay nilang dalawa nang padalhan sila ng dalawang bala sa kanilang campaign office, at ‘yung alok na pinaatras sila kapalit ng malaking halaga ng pera talagang seryoso ang kalaban na mawala si PM Vargas sa eksena.

Tiyak ako na mas kabado si Alfred para sa kapatid, at gusto niyang maging ligtas ito lalo pa nga bagong ama si PM dahil kapapanganak lang ng kanyang asawa.

Sana mamalaging ligtas sina PM at Alfred.

Sana naman huwag maging bayolente ang utak ng mga kalaban dahil lang sa posisyon, let the best one win, walang sakitan.

Tanggapin ang gusto ng tao, at kung sino ang pinili nila.

Kathryna at Bryan, nangunguna sa partylist

Bongga ang partylist nina Kathryna Pimentel at Bryan Revilla. Pareho silang nasa top ng survey dahil siguro madali ang recall ng Agimat at PDP Cares Partylist. Saka siguro malaking tulong ang paglilibot nila at nakilala sila ng tao.

Hindi kataka-taka na mataas ang Ang Probinsyano dahil dati na at hanggang ngayon nasa TV pa rin ang serye.

Masaya ang labanan sa partylist na parang mas exciting pa ang mga kasali kesa sa senate lists.

Nandiyan sina Karla Estrada at Melanie Marquez, meron pang ibang taga-showbiz na kasali. Kaya nga bongga, sure na maganda ang magiging resulta nito sa eleksyon.

BRYAN REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with