Golfers nag-marites negosyante binibitbit sa golf course ang kabit
Dumarayo pala sa isang mamahaling golf course and resort ang isang mayamang negosyante at ang natsitsimis sa kanyang aktres.
Siyampre, nagtaka ang golfers na present nang dumating sila dahil may alam din sila sa background ng negosyante at aktres.
Hindi naman daw naging demonstrative ang dalawa sa publiko. Tahimik lang daw na watch ng golf ang aktres habang naghihintay sa negosyante na matapos ang laro.
‘Yun nga lang, naging Marites bigla ang mga kalalakihang golfers dahil sa presence ng negosyante at aktres na magkasama.
Richard, hinihirit makatuluyan ni Heart
Sumisigaw ang Team Tonito ng I Left My Heart In Sorsogon! Si Tonito ang character ni Richard Yap sa nasabing Kapuso series na finale week na ngayon.
Eh ang katrayaggulo nina Heart at Richard ay si Paolo Contis na dating boyfriend ni Heart sa series.
Unang series nga naman ni Richard sa Kapuso Network ang I Left My Heart In Sorsogon kaya gusto nilang siya ang makatuluyan ni Heart, huh!
Kanino ka ba, Salve A.? Team Tonito o Team Mikoy? Last soap na si Heart ang I Left My Heart In Sorsogon pero aarte pa rin daw siya sa mini series na lang o sa pelikula, depende sa kuwento at leading man.
- Latest