^

Pang Movies

Taong 2021, parang roller coaster

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Tulad nung isang taon sa pagsisimula ng pan­demya sa buong mundo, maituturing na parang roller coaster ang takbo ng buhay ng mga Pinoy na hanggang ngayon ay dinaranas pa rin ng mas nakararami lalo na ang mga sinalanta ng bagyong Odette.

It was only during the last quarter of the year 2021 nang unti-unting bumangon ang ekonomiya at kung kelan naman nagsisimula ang ating mga kababayan ay saka naman hinagupit ng napakalakas na bagyo ang maraming lugar ng Visayas at Mindanao na hanggang ngayon ay wala pa ring masilungan, walang makain, walang kuryente, walang sapat na tubig at walang kabuhayan. At ang masakit sa lahat, hindi man lamang nila naranasan ang masayang Pasko at sasalubungin ang bagong taon na madilim pa rin ang kanilang nararanasan.

Sa mga taong nakakariwasa sa buhay, sana’y maging bukas ang inyong puso sa pagtulong sa mga kababayan nating patuloy na nanawagan ng tulong hanggang ngayon.

Ilang celeb, nagka-pandemic baby

It was on New Year’s day this year nang ibahagi sa social media ng magka­sintahang Meryll Soriano at Joem Bascon ang kanilang bagong silang na anak na si Baby Gido, ito rin ang araw na ipinakilala ng mag-partner ang kanilang baby sa ama ng aktres, ang game show host-producer na si Willie Revillame. Si Baby Gido (now one year old) bale ang pangalawang apo ng TV host-producer sa kanyang panganay na si Meryll. Nauna na rito ang teenage son ni Meryll na si Elijah Palanca (14) sa kanyang ex-husband, ang actor na si Bernard Palanca.

January 1 rin this year nang ipaalam sa netizens ng bagong magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial ang kanilang relasyon. It was this month nang i-celebrate ng young couple ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan.­

January 6 naman nang looban ng akyat-bahay gang ang tahanan ng singer, actor, director at producer na si Xian Lim at nilimas ang mahahalagang bagay including computer gadgets.

Nung Enero 9 ay sumakabilang-buhay ang nakatatandang kapatid nina Robin at Rommel Padilla na si Royette Padilla. Sakit sa puso ang kanyang ikinamatay sa edad na 58. On same day ay isinilang naman ng twin sister ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora ang third child nila ng kanyang husband, ang ex-PBB housemate na si Steve ‘Tibo’ Jumalon na isang boy. 

Nung Jan. 12 ay isinilang ng singer na si Maricris Garcia at partner nitong si TJ Cruz ang kanilang first baby na si Adaiah Denise Garcia. Ito rin ang araw ng engagement ng singer, actress at entrepreneur na si Ara Mina sa head ng Philippine International Trading Corporation (PITC) at politician na si Dave Almarinez.

It was on Jan. 15 nang maging Kapamilya ang singer-actress na si Janine Gutierrez. Kinabukasan, Jan. 16 ay nagtapos ang Kapuso actor na si Juancho Triviño ng kanyang pag-aaral sa La Salle University ng Bachelor of Science in Entrepreneurship at nung Enero 17 ay isinilang naman ng Viva actress na si Andi Eigenmann ang kanyang pangatlong anak, her second with her fiancé, ang surfer ng Siargao na si Philmar Alipayo na si Koa, first boy ng aktres.

January 21 nang magkasal ang Kapuso actor na si Rocco Nacino sa volleyball player na si Melissa Gohing sa isang intimate wedding na ginanap on top of a naval ship. Ang kanilang naval-themed wedding  ay dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

Nung Jan. 23 ay sumakabilang-buhay ang tinaguriang James Bond of the Philippines na si Tony Ferrer (Antonio Laxa) sa edad na 86. Sa kaparehong araw ay ikinasal naman ang Kapuso actress-vlogger at entrepreneur na si Lovely Abella sa singer-actor na si Benj Manalo.  Si Benj ay isa sa mga anak ng singer, actor, comedian at TV host na si Jose Manalo.

January 31 naman nang isilang ang first baby ng couple na sina Mark Herras at dating beauty queen-turned actress na si Nicole Donesa na si Mark Fernando na may palayaw na Corky.

Nung Feb. 4 ay official na naging magkasintahan sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na naunang nakitang nag-dinner sa bahay ni Derek nung Jan. 11, 2021 kasama sina Ruffa Gutierrez, John Estrada at iba pang kaibigan. It was on Feb. 5 nang sumakabilang buhay ang Hollywood actor na si Christopher Plummer ng The Sound of Music sa edad na 91. On Feb. 8 ay pumanaw naman ang isa sa miyembro ng The Supremes (ang grupong pinagmulan ni Diana Ross) na si Mary Wilson sa edad na 76.

February 12 nang pumanaw ang religious leader, preacher and Evangelist na si Bro. Eli Soriano sa Santa Catarina, Brazil sa edad na 73. On Feb. 13, nagpakasal sa isang civil wedding ang aktres na si Gwen Zamora at PBA basketball player na si David John Semerad in France. Nung Feb. 14, Valentine’s Day ay engagement day ng actor na si Bryan Santos at Marlann Flores matapos ang kanilang siyam na taong relasyon bilang magkasintahan. Sa araw ding ito isinilang ang unang baby ng actor na si Romnick Sarmenta at partner nitong aktres na si Barbara Ruaro. Si Romnick ay ex-husband ng actress-producer na si Harlene Bautista at meron silang apat na anak na lahat babae.

The ex-couple were married for 19 years at nagkahiwalay sila nung 2018. May kanya-kanyang bagong karelasyon na ngayon ang dating mag-asawa, si Harlene sa kaisa-isang anak ng namayapang Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno na si Federico Moreno at si Romnick naman kay Barbara Ruaro.

vuukle comment

BAGYONG ODETTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with