^

Pang Movies

Kaka, hindi tinulungan nina Jerald at Ion?!

Gorgy Rula - Pang-masa
Kaka, hindi tinulungan nina Jerald at Ion?!
Sunshine Guimary

MANILA, Philippines — Kaagad na nanguna sa Vivamax at sa iba pang platform ang pelikulang Kaka, isang sexy-comedy na pinagbidahan ng bagong Viva star na si Sunshine Guimary. Nagbukas na ito noong May 28 sa naturang digital streaming app ng Viva, at pati na rin sa iWant TFC, KTX.Ph at TFC IPTV.

Bongga naman kasi ang pa-boobey at may butt exposure pa si Sunshine sa naturang pelikula. Pero safe naman at walang daring scenes ang dalawang leading men niyang sina Jerald Napoles at Ion Perez. Kaya nagpasalamat naman si Sunshine, kahit siya na lang ngang mag-isa ang nagpu-promote nito.

Ayaw na lang palakihin ng baguhang sexy star, dahil masaya na raw siya na maganda ang resulta ng Kaka. Keri naman daw niyang siya na lang nagpu-promote. Kahit sa social media account kasi nina Jerald at Ion ay hindi man lang nila ipinost itong Kaka.

Noong in-intervew nga namin si Jerald kasama si Kim Molina sa radio program namin sa DZRH noong Biyernes, prinomote niya ang pelikula nilang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na sa June 11 pa naman ang streaming sa Vivamax. Hindi niya nabanggit ang Kaka na showing na noong araw na iyon.

May selosan nga kayang nagaganap? May narinig pa kasi kaming nai-block pa raw si Sunshine ng isa sa dalawang leading men niya. Kinalkal namin si Sunshine kung sino kina Jerald at Ion ang nag-block sa kanya, pero ayaw niyang sagutin.

Okay na raw iyon, dahil na-unblock naman daw siya kaya hindi na raw isyu iyon.

Sharon, sa Amerika muna titira

Mukhang matatagalan pa si Sharon Cuneta sa Amerika dahil sa pag-uusap nila ni Sen. Kiko Pangilinan sa IG live, binanggit niyang magkikita sila bandang August sa New York dahil may dadaluhan silang isang family gathering. Sa tono ng mga pahayag ni Sharon ay parang mas gusto niyang ma-settle siya roon sa Amerika. Pero si Sen. Kiko ay sa Pilipinas ang gusto.

Ang isa sa gusto roon ng Megastar ay unti-unti na niyang nararamdamang bumabalik na sa normal kahit nasa pandemya pa ang buong mundo. Kaya kahit nawalan siya roon ng malaking proyekto, naniniwala silang may darating pang mas malaking kapalit.“When God closes the door, He opens a window. Many windows are now being opened for you,” sabi naman ni Sen. Kiko kay Sharon.

May mga nag-i-inquire na nga raw ng posibilidad na makapag-show doon si Sharon kapag puwede na ang live entertainment venues. May mga kumakausap na raw sa team ng Megastar. “My team in the Philippines is now trying… because some places here, some venues, like casinos, other performance venues, have already got in touch with my team. Medyo, we are slowly getting back to normal here in the States,” saad ni Sharon.

Kaya puwedeng doon na muna siya sa Amerika dahil hindi naman siya nawawalan ng trabaho. At mas happy nga siguro siya roon kung madadala ang mga mahal niyang dogs.  

vuukle comment

SUNSHINE GUIMARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with