Lea proud na 50 na!
Fifty years na old si Lea Salonga kahapon. At transparent ang Broadway actress/singer sa edad niya. Siya pa nga ang nag-post ng “Keep calm, I’m 50 today.” At ang caption niya – “50 today!!! Woo-hoo!!! To everyone that sent a greeting, THANK YOU!!! I’m a tad overwhelmed, but in an oh so good way! Truly, this girl is hella grateful!”
Kaya naman dagsa ang nag-wish sa kanya.
Hindi malihim si Lea sa age niya hindi tulad ng iba na ayaw ibuko ang tunay na numero ng edad nila.
Sanya, inaabangan bilang yaya
Nakatanggap ng papuri at suporta ang Kapuso actress na si Sanya Lopez matapos niyang i-share sa Instagram ang teaser ng inaabangang rom-com primetime series na First Yaya katambal si Gabby Concepcion.
Ani ng dating leading man niyang si Benjamin Alves, “Can’t wait to see your comedic hat on! Congrats Sans!”
“Super excited makita ka Sanya as Yaya Melody sa rom-com,” komento ng kanyang fans club na Sanya Warriors.
Malapit na umanong mapanood sa GMA Network ang First Yaya!
- Latest