^

Pang Movies

PM, kredibilidad ang panlaban

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang dali ng araw ha. Maiisip mo ba na 17 years na ang Pang Masa (PM)? Parang kailan lang nang mabasa ng publiko ang tabloid na kapatid ng Pilipino Star NGAYON at The Philippine STAR at binigyan ako ng offer ni Boss Miguel Belmonte na balikan ko ang pagsusulat ko. At 17 years na pala ‘yun.

Now kung isang tao ito, magde-debut na at dalagang-dalaga na sana next year.

With the good management of Papa Miguel Belmonte, parang hindi natin naramdaman na lumilipas ang araw, at ngayon nga kahit nauso na ang online, gusto pa rin ng marami ang hard copy ng ating PM, kaya maganda pa rin ang circulation nito, at aside from that, credibility ang panlaban ng PM. Walang fake news, walang kuryente, lahat solid facts.

Hay naku, sana umabot din ng 17 years ang Take It… Per Minute Me Ganun, uugud-ugod na ako, tutubuan na ng buhok uli si Cristy Fermin, at nakapalda na si Mr. Fu, pero matatag pa rin tulad ng PM.

Bakit, dahil parehong si Boss Miguel Belmonte ang may hawak, ‘di ba, Salve?

Luis, emosyonal sa bashers

Natutuwa ako ‘pag nababasa ko ang pagsagot ni Luis Manzano sa bashers sa IG. Kasi nga siguro tulad ko, emotional outlet din ni Luis ang IG, so sinasabi niya what he feels, binabasa niya lahat ng comments.

Kasi nga, siguro kaya ka nag-IG dahil way mo rin iyon to communicate, so sinusulat mo ang gusto mo, now may followers na gustong inisin ka, ok, may karapatan din ako na sagutin ka. Unfair nga lang dahil hindi mo sila kilala o nakikita, saka bakit kailangang magbigay sila ng pangit na komento eh nakikibasa lang sila?

Sabi nga test of patience ‘yung pagbabasa ng mga bashing, true, pero pag sodo macho ka na tulad ko, hah hah, mag-e-enjoy ka. Kasi nga ‘katuwa na may mga tao na parang close sa iyo na kilala ka para magsabi ng mga bagay na para bang nakikita nila araw-araw na ginagawa mo. Saka dapat nga siguro bumili ng on sale na brains ang iba, para magkaroon ng konting utak for comprehension, ‘yung alam sana ang seryoso sa biro, o marunong magbigay ng tamang pangaral dahil nga may wisdom sila.

I am proud of Luis being brutally frank about how he feels. Totoo siya, kaya nga be careful with him, dahil you will get what you should be getting. No hold barred. Go Luis, tama iyan, very healthy naman for the body ang patola, so patulan talaga natin. 

vuukle comment

MIGUEL BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with