^

Pang Movies

Isabel nanay na uli!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Nakapagsilang na ang aktres na si Isabel Oli sa pangatlong baby nila ng kanyang mister na si John Prats noong nakaraang Biyernes, July 17, pero noong nakaraang Lunes, July 20, lamang ipinaalam ni John sa kanyang Instagram account.

Ang panganay ng mag-asawa na si Lily Feather ay four years old na habang ang pangalawa na si Freedom na isang boy ay magdadalawang taon sa November 25.

Masaya ang actor-director and entrepreneur na si John dahil maluwalhating nagsilang ang kanyang misis na si Isabel at malusog ang kanilang pangatlong baby.

Samantala, kung baby girl ang isinilang ni Isabel, baby girl din ang magi­ging unang supling ng mag-asawang Sheena Halili at ang kanyang lawyer husband na si Jeron Manzanero.  Ang kanilang unang supling ay nakatakdang isilang sa buwan ng Disyembre.

Ang isa pang expectant first time mom ay ang Starstruck alumna at dating Kapuso actress na si Ryza Cenon courtesy of her cinematographer boyfriend na si Miguel Antonio Cruz.

Nicki Minaj nilantad ang pagbubuntis

Ipinagbubuntis ngayon ng popular international rapper, singer, songwriter at actress na si Nicki Minaj (Onika Tanya Maraj-Petty)- 37  ang kanilang magiging unang baby ng music executive husband niyang si Kenneth Petty (42).

Earlier ay i-announce ni Nicki na tatalikuran na umano niya ang kanyang music career in favor of her family pero kalaunan ay binawi niya ito. 

Pops, busy sa loob ng bahay

Sa gitna ng pandemya, puwede kang maging productive kahit nananatili ka lamang  sa loob ng bahay.  Ito ay ibinahagi ng Concert Queen na si Pops Fernandez. Ayon kay Pops, mas may time umano siya ngayon na magplano ng kanyang upcoming projects pati na ang kanyang online business. Tini-treasure din umano niya ang quality time na nakakapagpahinga siya nang husto at nakakausap ang mga kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita at nakakausap.

Ayon sa dating misis ng Concert King na si Martin Nievera, marami ang puwedeng gawin kahit nasa bahay lang.

Ang panganay nina Pops at Martin na si Robin ay naka-base ngayon sa Amerika with girlfriend na si Zia Quizon, anak ng yumaong comedy king at Zsa Zsa Padilla.  Although matagal na ang relasyon ng dalawa, wala pa rin sa kanilang immediate plans ang pag-aasawa. Pero kung sakaling naisin ng dalawa na magpakasal ay suportado sila ng kanilang respective families.

Clint mag-iisang taon nang nakikitira sa thai billionaire na trans

Mukhang hindi pa talaga nakakapag-move-on si Clint Bondad kay Catriona Gray dahil kung anu-ano ang pino-post nito sa kanyang Instagram account.

Si Sam Milby ang bagong kasintahan ngayon ni Catriona

Samantala, inamin naman ng Thai billionaire transwoman na si Anne (Jakkaphong Jakrajutatip) na may-ari ng isang kompanya at isang content provider na parang magkapatid lamang umano ang kanilang turingan ni Clint na siyam na buwan nang nakatira sa kanya.

Maniwala kaya rito ang mga netizens?

vuukle comment

ISABEL OLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with