^

Pang Movies

DJ Chacha preggy na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
DJ Chacha preggy na!

Bago nag-asawa si DJ Chacha ng MOR 101.9 FM at DZMM ay niregaluhan niya ang kanyang ama on his 61st birthday last March ng brand new Honda CRV black car na kanyang ibinigay a day after his birthday. Ang sasakyan ay minaneho ng husband na ngayon ni DJ Chacha na si Mike Guevarra kung saan din nila kasama ang teen-age daughter ni Chacha sa una nitong nakarelasyon na si Saab.

Sa birthday naman ni DJ Chacha nung nakaraang Huwebes, August 29 ay masaya niyang ibinalita sa kanyang Vlog na siya’y three months pregnant na ngayon ng kanilang magiging first baby ng husband niyang si Mike.

Sina DJ Chacha at Mike ay ikinasal last May 30, 2019 matapos ang kanilang long relationship bilang magkasintahan.

Ang tunay na pangalan ni DJ Chacha ay Czarina Marie Balba-Guevarra.

Bukod sa pagiging DJ nito sa MOR 101.9, si DJ Chacha ay siyang nagpu-provide ng entertainment news sa daily morning news program ni Ted Failon sa DZMM at may sarili rin itong programa sa DZMM.

Seth iniisa-isa ang pagbili ng mga pangarap

Kung brand new car ang regalo ni DJ Chacha sa ika-61st birthday ng kanyang ama, sinorpresa naman ng 17-year-old ex-Pinoy Big Brother housemate (teen edition) ang kanyang ama sa Cavite ng isang bagong motorsiklo kamakailan lamang.

Inuna muna ni Seth Fedelin ang pagbili ng sarili niyang sasakyan last June dahil kailangan niya nito sa kanyang trabaho bilang actor.

Si Seth ay napapanood ngayon sa hit afternoon TV series na Kadenang Ginto.

Cast ng Beautiful Justice aminadong pressured sa Probinsyano

Hindi man nagtagal sa ere ang teleseryeng Pamilya Roces ng GMA-7 na ipinalabas nung isang taon, natutuwa ang Kapuso young star na si Gabbi Garcia na meron siyang bagong serye na action-drama ang tema, ang Beautiful Justice na magsisimulang mapanood sa ere ngayong September 9, 2019 pagkatapos ng 24 Oras news program at direktang makakatapat ng longest-running and top-rating action-drama series ni Coco Martin sa ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Although nakakaramdam umano sila ng pressure, hindi umano ito ang kanilang binibigyan ng halaga kundi ang ganda ng serye na pinamamahalaan ni Mark Reyes at tinatampukan din nina Yasmien Kurdi, Bea Binene, Derrick Monasterio, Gil Cuerva kasama sina Bing Loyzaga, Victor Neri, Carlos Agassi, Ian de Leon at iba pa.

vuukle comment

DJ CHACHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with