^

Pang Movies

Shanti Dope biglang naging ‘hot’

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Shanti Dope biglang naging �hot�
Shanti Dope

Itinanghal kamakailan lang na Best New Artist of the Year ng MOR Pinoy Music Awards si Shanti Dope dahil sa kanta nitong Nadarang. Pasok na siya sa mga hinahangaan ngayon ng mga kabataan pagdating sa rap music.

Kabilang na rin ang hiphop rapper sa hanay ni Gloc 9 na parang kailan lang ay sidekick lamang siya nito. Kasama si Shanti sa single ni Gloc 9 na Norem at pati na rin sa iba nitong shows.

Gumawa ng ingay ang pangalan ni Shanti nang ipag-utos ng PDEA na i-ban ang kanta nitong Amatz dahil umano sa pagsuporta nito sa droga. Ngayon ay mas lalo pa siyang pinag-uusapan dahil naman sa ginawang collaboration kay KZ Tandingan sa kantang Imposible na umabot na ang views sa YouTube sa isang milyon.

Ngayon ay mas level up pa ang kaganapan sa career ni Shanti dahil kasama lang naman siya sa bagong kanta ng Kapamilya station ID ng ABS-CBN na Galing Natin Ito!.

But wait, there’s more, ang bagong pasabog ay ang announcement ni Chito Miranda sa kanyang Instagram na magsasama silang tatlo nila Gloc 9 sa isang project.

Hindi lang si Gloc 9, kung hindi pati si Chito ay bilib din kay Shanti, kaya ngayon pa lang ay excited na ang fans sa collaboration ng tatlo.

Ang hinala ng ilan ay gagawa ng bagong version ang Bagsakan na pinasikat ng Parokya Ni Edgar.

vuukle comment

SHANTI DOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with