^

Pang Movies

Arci nag-sorry kay Annabelle!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Arci nag-sorry kay Annabelle!
Annabelle & Arci

Ang pakikipagbati ni Arci Muñoz kay Annabelle Rama sa after party ng ABS-CBN Christmas TV Special.

Sa Novotel na katabi ng Smart Araneta Coliseum ang after party at maraming ABS-CBN executives, production people and stars ang nag-attend doon.

Si Arci ang lumapit at yumakap sa dati niyang manager at nag-sorry nga.

Hindi na nakatanggi pa si Tita Annabelle sa pakikipagbati sa kanya ng dating talent.

Pampa-good vibes na rin daw ‘yon sa pelikulang Fantastica na official movie entry sa Metro Manila Film Festival 2018 kung saan ay kasama ni Richard Gutierrez si Vice Ganda.

Jasmine hahanapan ng bagong trabaho

Ang finale night mamaya ng Pamilya Roces, ang drama-comedy series ng GMA-7.

Hahanapan pa raw ng bagong show ang newest Kapuso actress na si Jasmine Curtis Smith na ang unang series nga sa nabanggit na TV network ay ang Pamilya Roces.

Ang My Golden Life na isang Koreanovela ang ipapalit sa Pamilya Roces simula sa Lunes.

Hindi pa sigurado kung hanggang kailan tatagal ang series na ‘yon, kaya nabawasan na naman ng local series ang Siete.

Erik kay Pops nagkukumpisal ng mga sekreto

Si Erik Santos sa birthday party ni Pops Fernandez na ginanap sa Teatrino sa Promenade, Greenhills noong Wednesday night.

BFF sina Erik at Pops. Sobrang lapit nila sa isa’t isa at ayon nga sa magkaibigan ay nagkakaalaman sila ng mga sikreto ng isa’t isa.

Isa si Pops sa mga unang pinagkukuwentuhan ni Erik tungkol sa mga nangyayari sa buhay at career niya.

Sabi ni Erik, sobrang love niya si Pops dahil sobrang bait nito! (sundan sa pahina 5)

Edu ‘presidente’ na ang pakiramdam!

Maganda ang exposure ni Edu Manzano sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Kahit saan magpunta si Edu, “President” ang tawag sa kanya ng mga tao.

Nasa party rin ni Pops si Edu at nagsayaw pa ito.

Nang makatsikahan ko si Edu, nag-good luck ako sa kanya dahil kandidato siya sa pagka-congressman ng San Juan sa May 2019 elections.

vuukle comment

ARCI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with