^

Pang Movies

Chanel nahanap na ang ‘purpose’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Chanel nahanap na ang �purpose�
Chanel Morales

First Princess o first runner up sa Miss World Philippines 2018 ang Artista Academy finalist na si Chanel Morales.

Hindi man siya nagkaroon ng beauty title, nagpapasalamat si Chanel sa lahat ng mga supporter niya at sa kanyang pamilya.

“Now, I’m a beauty queen with a purpose” ang pralala ni Chanel na may chance pa na sumali sa ibang mga beauty pageant sa susunod na taon para matupad na ang kanyang pangarap na maging beauty queen.

Serye nina Rayver at Kris hawig sa love story nina Rustom at Carmina

Hawig sa love story noon nina Rustom Padilla at Carmina Villarroel ang kuwento ng Asawa Ko, Karibal Ko.

Ang kaibahan lang, hindi naging karibal ni Carmina si Rustom sa ibang mhin. Na-discover lang niya ang tunay na pagkatao ng kanyang ex-husband na BB Gandanghari na ang pangalan at certified transgender woman.

Sa Asawa Ko, Karibal Ko, nagkaroon ng anak ang mga karakter na ginampanan nina Kris Bernal at Jason Abalos.

In real life, never na nagbunga ang pagmamahalan nina Rustom at Carmina na friends na nga­yon. Si Rustom o si BB ang nagkuwento na isa si Carmina sa mga unang tao na sinabihan niya tungkol sa kanyang other identity.

Happy na ngayon si Carmina sa piling ni Zo­ren Legaspi at ng kanilang dalawang anak habang nangangarap pa rin si BB na maka-penetrate sa Hollywood bilang first Filipina transgender actress.

Marian at Dingdong mabilis bumalik ng ‘Pinas

Successful ang GMA Pinoy TV show sa Anaheim noong October 7.

Dinumog ng mga kababayan natin sa California ang mga Kapuso star na sina AiAi delas Alas, Marian Rivera, Christian Bautista at Julie Anne San Jose.

Kasama sa US trip ni Marian ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes. May nagkuwento sa akin na mismong si Marian ang naglambing kay Dingdong na samahan siya.

Si Dingdong ang nagbayad ng plane fare niya. Sayang nga dahil sana, isinama na lang siya sa early Christmas show ng GMA Pinoy TV sa California.

Bumalik agad sa Pilipinas ang Dantes couple pagkatapos ng show sa The Grove ng Anaheim dahil missed na missed na nila ang anak na si Zia.

Naiwan naman sa US si AiAi dahil may concert pa sila ni Martin Nievera sa New Jersey sa October 13.

Matthias at Jason may gagawing intimate

Supportive sa showbiz career ni Matthias Rhoads ang mga magulang niya.

Sa tuwing may mga bagong television show si Matthias, ever present sa mga presscon ang kanyang American father at Filipina mother.

Nang ipakilala si Matthias bilang love interest ni Marian Rivera sa Super Ma’am, umapir sa presscon ang mga magulang niya na masipag magkuha ng pictures at videos at ganito uli ang kanilang mga eksena sa media launch ng Asawa Ko, Karibal Ko noong Lunes.

In fairness, hindi mga stage parent ang tatay at nanay ni Matthias dahil kaligayahan lang nila na makita na artista na ang kanilang anak na ramp at commercial model bago naging contract star ng GMA 7.

Si Matthias ang gumaganap na lover ni Jason Abalos sa Asawa Ko, Karibal Ko. May mga intimate scene sila dahil hindi alam ng karakter ni Matthias na transgender woman ang “girl”  na kinahumalingan niya.

vuukle comment

CHANEL MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with