^

Pang Movies

Ruffa hate pag binubuko ang totoong edad

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, type ko ang pagi­ging supportive friend ni Bubbles Paraiso kay Raymond Gutierrez na palaging nandun para supprtahan ang kaibigan.

 

Sa latest endorsement launch ni Raymond para sa F&H (Folded & Hung), present na naman si Bubbles.

Bukod nga sa pamilya Gutierrez, isa talaga si Bubbles sa palaging nakasuporta kay Raymond.

Una kong nakilala si Bubbles nang nagmo-model pa lang siya nang dalhin siya ni Raymond sa isang charity event ng kanilang pamilya na like Raymond, sobrang health buff din ni Bubbles.

Isa sa paborito niyang gawin ay ang mag-biking, na nakakatulong para maging physically fit siya. Kaya naman hindi rin tumatanda ang hitsura ng actress/model.

Sa nasabi ring launch ni Raymond kasama ang ibang F&H endorsers, nagpaka-“stage ate” si Ruffa Gutierrez, although hindi rin naman nagpatalbog si Annabelle Rama sa pagpapaka-“stage mom”.

After ng fashion show, nagpunta pa si Ruffa sa backstage para i-congratulate si Raymond at sinabing, “I’m a proud Ate!”

“It was a super fun launch,” sabi pa ni Ruffa.

Marami naman ang pumuri kay Maymay Entrata na ang galing din sa nasabing endorsement launch.

Oo nga pala, going back to Ruffa, after 25 years na nag-Miss World 1993 second princess, magho-host naman siya mamaya ng grand coronation night sa MOA Arena ng Miss World Philippines 2018 kasama si Carla Abellana.

Malapit kay Ruffa ang nasabing beauty pageant, kaya naman excited siya sa gagawin mamaya.

“I’m wearing Michael Leyva for the first time,” sabi ni Ruffa nang makausap ko kahapon.

In fairness, malaki na ang ipinayat niya at mukha pa rin siyang bata sa hitsura niya, kaya naman kahit 44 years old na ay beauty queen pa rin ang dating niya.

Alam na hindi type ni Ruffa na banggitin ko ang edad niya, pero ang bata pa naman ng hitsura niya sa totoong edad niya, ‘noh?!

Tom nanguna sa multicultural festival sa Korea

Nasa Busan, South Korea ngayon si Tom Rodriguez para sa Migrants’ Arirang Multicultural Festival.

Kasama niyang nagpunta roon noong Friday ang manager niyang si Popoy Caritativo.

Bagong Philippine Airlines plane ang sinakyan nila at nag-comment ang girlfriend ni Tom na si Carla ng, “Wow! ‘Yung bagong PAL plane. Hindi ko pnnae-experience ‘yan. Enjoy. Good luck @akosimangtomas (Instagram account ng kanyang boyfriend).”

Kasama nga pala si Carla sa bagong primetime series ng GMA 7, ang Pamilya Roces.

Speaking of Pamilya Roces, mukhang very po­si­tive ang GMA 7 na magre-rate rin ang bago nilang teleserye.

Malalakas kasi ang mga teleserye ng Siyete sa third slot nila sa primetime.

Lahat ng mga series nila na nasa slot na ‘yon ay nag-rate!

vuukle comment

BUBBLES PARAISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with