^

Pang Movies

Ritz maraming first time kay Pepe!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ritz maraming first time kay Pepe!

Umabot na sa mahigit ten million views sa social media ang trailer ng pelikulang The Hopeful Romantic  na pinagbibidahan nina Pepe Herrera at Ritz Azul.

Pero chillax lang si Pepe na walang pressure na nararamdaman sa pagbibida niya sa sexy-comedy film. Higit niya ka­sing ikinatutuwa ang mga komentong nababasa niya sa Facebook.

Sa panig naman ng leading niyang si Ritz, hindi niya akalaing mapapansin siya ng Regal at ipapareha kay Pepe. Kaya naman nang sabihing may sexy scenes siya’t kissing scenes with Pepe, hindi na siya umangal pa at tinanggap kung ano ang pinagawa sa kanya ni direk Topel Lee.

Tikom nga lang ang bibig niya sa blogcon para sabihin kung ano ang ipanagawa sa kanya ng director na first time niyang ginawa sa movie, huh!

Catriona dadamitan ng kilalang designer sa NY

Awra-awra muna sa New York City ang Miss Universe bet nating si Catriona Gray bago sumabak sa labanan sa Thailand ngayong December.

Nasa New York ngayong si Catriona dahil ra­rampa siya New York Fashion Week para sa kilalang designer na si Sherri Hill. Sa pic niya sa Instagram, palung-palo ang pose niya sa isang kalye sa NY na feeling winner na, huh!

Proud naman kay Catriona ang beauty queens na sina Michelle Gumabao at Kylie Versoza sa event na dadaluhan.

Joyce Jimenez nagbabalik!

Look who was back in town?  Ang original Pantasya ng Bayan na si Joyce Jimenez, huh!

Ibinisto ng eventologist na si Tim Yap sa kanyang Instagram ang pagda­ting sa bansa ni Joyce. Nakasama niya ang former sexy actress habang nagbaba­kasyon sa Panglao Island sa Bohol.

Sa ilang pics sa IG na pinost ng ilang kaibigan ni Private Joyce, seksing-seksi pa rin ang katawan niya kahit may tatlo na silang anak ng asawang si Paul Ely Egbalic.

Umapaw naman agad ang papuri mula sa ilang netizens na natuwa nang malamang dumating sa bansa si Joyce.

vuukle comment

PEPE AT RITZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with