^

Pang Movies

Alden chill lang kay Maine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kahit busy at sobrang concentrated si Alden Richards sa Victor Magtanggol, never daw niyang ikinunsidera ang magbakasyon muna sa Eat Bulaga para mas makapag-focus sa serye.

 

“Malaki po utang na loob ko sa Eat Bulaga. Sobra po. Kaya ‘yung konting effort lang po na puyat from taping, tapos papasok the next day, parang maliit na bagay lang po ‘yun. Na kaya ko naman pong i-manage.

“Kaya as much as kaya ko pong hindi po ganu’n kaliit ‘yung pack-up at kaya ko pong gumising the next day for EB, gumigising po ako,” sey ni Alden.

Natanong nga kung bakit parang nabawasan ang sweetness nila ni Maine Mendoza sa EB, ani Alden ay hindi naman daw.

“Kasi sa EB naman po, parang bumalik lang kami sa ginagawa po namin before na si Maine sa barangay, ako po sa Broadway, so, kung baga, chill lang po kami do’n.

“Kung baga, hindi naman po sa nabawasan ang sweetness. It’s more of kaming dalawa na lang po ‘yung nagtatrabaho. Kung baga, kung ano po ang feelings namin sa mga oras na ‘yun,” paliwanag pa ng Pambansang Bae.

Samantala, matapos ang engrandeng launch ng Victor Magtanggol last Monday, hindi na nga makapaghintay ang fans ng buong cast sa pagsisimula nito ngayong Lunes, Hulyo 30.

Adrian sinuwerte nang magpalit ng pangalan

Fresh start daw sa career ang gusto ni Luis Alandy na ngayon ay Adrian na kaya siya nagpalit ng pangalan.

20 years nang gamit ni Adrian ang screen name na Luis Alandy, at aniya, ang real name niya ay Adrian Luis Alandy.

Nang ibigay daw sa kanya ang pangalang Luis nang magsimula siya noong 1997, medyo hindi raw niya gusto ang name dahil hindi siya sanay na tawaging Luis since Adrian ang first name niya.

“Siyempre, dumaan na ‘yung 20 years, ‘yun na ang kilala ng tao sa akin, okay din naman sa akin, hindi naman ako parang ‘yung pag tinawag na Luis, ayoko, kasi ‘yun din naman ang pangalan ko,” sabi ni Luis nang makausap namin sa presscon ng Onanay na bagong serye niya sa GMA-7.

Pero ngayon daw, parang mas gusto niyang maging more personal kaya gusto niyang magpalit ng name at ikinonsulta niya rin naman ito sa kanyang manager na si Noel Ferrer.

The moment na magpalit daw siya ng name, parang swerte naman na ang gaganda ng mga duma­ting na projects sa kanya tulad nga nitong Onanay with Superstar Nora Aunor.

“By changing my name, du’n ko nakatrabaho si Mike de Leon (sa Citizen Jake), first time kong nakatrabaho si Nora Aunor,” aniya.

Ginagampanan ni Adrian sa Onanay ang papel na leading man ng bidang si Jo Berry. Magsisimula na ang serye ngayong August 6 sa GMA Telebabad.

vuukle comment

VICTOR MAGTANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with