^

Pang Movies

Sid & Aya hindi nagpakabog sa Jurassic World

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sid & Aya hindi nagpakabog sa Jurassic World
Sid & Aya

Dahil blockbuster ang Sid & Aya ( Not A Love Story ), isang victory party ang naganap noong Thursday night sa isang bar sa Ayala The 30th Mall na malapit sa opisina ng Viva Films.

Present sa victory party ang lead stars ng Sid & Aya, sina Dingdong Dantes at Anne Curtis na parehong maligaya dahil sa success ng kanilang pelikula na nasa second week of showing na sa mga sinehan at nakikipagsabayan sa lakas ng Jurassic World: Fallen Kingdom.

Malakas ang chemistry nina Dingdong at Anne sa Sid & Aya kaya nagtatanong ang fans kung masusundan pa ang partnership nila sa pelikula.

Why not? Marami pa ang magagandang material o kuwento ng pelikula na puwedeng pagsamahan nina Dingdong at Anne dahil napatunayan nila na malakas ang hatak sa takil­ya ng kanilang tambalan, kahit alam ng mga tao na happily-married sila.

Matteo walang maisagot sa usapang kasal nila ni Sarah

Puring-puri si Matteo Guidicelli ng mga kostumer ng Da Gianni Cucina Italiana, ang family-owned Italian restaurant nila sa Alabang, Muntinlupa City.

Touched na touched ang mga kostumer ng Da Gianni Cucina Italiana sa personal na pag-aasikaso sa kanila ni Matteo nang maabutan nila ang aktor sa nasabing restaurant.

Bukod sa VIP treatment sa kanila ni Matteo, ipinatikim pa nito sa kanila ang napakasarap na tiramisu dessert na gawa ng aktor.

Isa lang ang cute complaint ng mga kostumer, hindi nila mapasagot si Matteo sa kanilang paulit-ulit na tanong na

“Kailan sila magpapakasal ni Sarah Geronimo?”

Mayabang na direktor na sumemplang sa takilya, dapat tularan si Direk Irene

Si Irene Villamor ang sumulat ng kuwento ng Sid & Aya at siya rin ang direktor.

Confirmed na magkakaroon pa ng mga movie project sa Viva Films si Irene dahil blockbuster ang kanyang mga pelikula mula sa Camp Sawi, Meet Me in St. Gallen at ang Sid & Aya.

Direktor si Irene ng mga teleserye ng GMA 7. Siya ang direktor ng Destined to be Yours, ang primetime teleserye noon nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Kapuso Network.

In demand na ngayon na movie director si Irene kaya hindi tayo sure kung may time pa siya na mamahala ng mga teleserye ng Kapuso Network.

Ang maganda kay Irene, mahiyain pa rin siya at walang kayabang-yabang sa katawan, kahit hit sa box office ang mga pelikula niya. Sana, tularan si Irene ng isang direktor na iniiwasan na makatrabaho dahil yumabang mula nang magkaroon ng name pero nagkaroon ng leksyon nang sumemplang sa takilya ang isang pelikula niya.

Imbes na mapagkumba­ba, mayabang pa rin ang direktor kesehodang nakatikim siya ng flop movie.

Lakorn bagong kababaliwan

Type na type ng Pinoy televiewers ang You’re My Destiny, ang Thai lakorn na napapanood sa GMA 7.

Teleserye ang ibig sabihin ng lakorn na isang Thai word.

Mga Thai actor ang bida sa You’re My Destiny at dahil mainit ang pagtanggap ng mga Pinoy sa Thai teleserye ng Kapuso Network, afraid ang Koreanovela fans na baka ang mga Thai drama series ang bagong kabaliwan ng mga kababayan natin.

Congrats sa GMA 7 executive na si Joey Abacan dahil siya ang nagdala sa Pilipinas ng You’re My Destiny na siguradong masusundan pa ng ibang mga sikat na Thai lakorn.

vuukle comment

SID & AYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with