^

Pang Movies

Andi nasira ang mukha?!

Nitz Miralles - Pang-masa
Andi nasira ang mukha?!
Andi Eigenmann

MANILA, Philippines — Mapapanood for the first time sa GMA 7 si Andi Eigenmann dahil nag-guest ito sa Cele­brity Bluff kasama ang mom niyang si Jaclyn Jose. Natupad ang nabanggit ni Jaclyn sa presscon pa lang ng The Cure gusto niyang mag-guest sa Kapuso Network si Andi ngayong wala na itong kontrata sa ABS-CBN.

Pero nilinaw ni Jaclyn na hindi niya niyaya sa GMA 7 si Andi, kung gusto lang daw nitong magtrabaho sa Kapuso, pero desisyon pa rin nito ang masusunod. Sabi pa ni Jaclyn, kailangang magtrabaho ni Andi para sa anak nito.

Samantala, hindi nega ang reaction ni Andi sa netizen na nagtanong kung ano ang nangyari sa mukha niya? “Stressed akow! Hahaha!” ang sagot ni Andi.

Bea napaiyak nang husto sa harap ng pintuan

May eksena sa Kasal na ipinapakita sa trailer na umiiyak si Bea Alonzo, sabi ng isang kaibigan, kailangang mapanood ang buong eksena ng aktres at bibilib ka sa husay nito. Wala raw kaeksena si Bea at pintuan lang ang nasa harap niya, pero ang husay-husay pa rin nito.

Sa May 16, na ang showing ng Star Cinema movie sa direction ni Ruel S. Bayani na kung saan, muling magpapakita ng husay niya si Bea. Kaya pala para kay Ms. Susan Roces, siya ang the Movie Queen of the New Generation na sinegundahan ni Dina Bonnevie.

Sa presscon ng Kasal, nabanggit ni Bea na bumawi siya this year dahil three movies ang ginawa niya, last year dahil nag-focus siya sa TV. Kaya bukod sa Kasal ay tapos na rin niya ang Eerie at may pelikula pa sila ni Aga Muhlach.                               

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with