^

Pang Movies

Ether sa Encantadia gold medalist sa wushu

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang namimisteryuhan sa aktres na gumaganap bilang si Bathalumang Ether sa Encantadia.

Walang dobol ito sa kanyang mga action scenes at mahusay sa martial arts.

Ito ay ang 10-time Wushu gold medalist/commercial model na si Janice Hung.

Pero bago nga naging mahusay na atleta si Janice, ilang beses niyang sinuway ang kanyang mga magulang dahil hindi sila pabor sa pangarap nitong maging athlete.

Ang husay niya sa sport na Wushu ang naging dahilan kung bakit siya ang napiling gumanap bilang Ether sa Encantadia.

Ni-reveal din ni Janice na isa siya sa mga Asian actresses na nag-audition para sa live-action remake ng Disney animated film na Mulan.

Sa kanyang Instagram account, pinost ni Janice na naka-costume siya bilang ang bida na si Fa Mulan.

“Malay mo, the next Mulan will be coming from the Philippines, from Encantadia, ‘di ba nakakatuwa?” sey pa ni Janice na ang isa pang hilig ay ang sumali sa mga Cosplay events kung saan nakapag-costume na siya bilang isa sa Power Rangers, Psylocke of X-Men, at Harley Quinn ng Suicide Squad.

Career ng young star nanamlay dahil sa nanay

Ngayon ay unti-unti nang umaayos ang showbiz career ng female celebrity na ito. Sinabihan kasi ng mga nagmamalasakit at may kinalaman sa career ngayon ni female celebrity na mag-behave ang ina nitong may sakit na nangingialam.

Aware ang mga tao sa likod ngayon ni female celebrity tungkol sa mga naging issues ng ina nito, lalo na kapag umiral ang pagiging stage mother.

Kaya raw ‘di nag-prosper ang career ni female celebrity sa isang TV network ay dahil sa pagiging pakialamera at mahadera ng madir niya.

Kung dati raw ay laging sumasama ang madir sa mga taping at shooting ni female celebrity, ngayon ay pinagbabawalan na siya.

Naging issue ang madir ni female celebrity noon sa set ng isang teleserye. Nakikialam daw ito sa camera shots ng direktor. At minsan daw ay ang madir pa ang sumigaw ng ‘Cut!’ dahil gusto raw nitong ayusin ang make-up ni female celebrity.

At nagdadala pa raw ito ng buong barangay sa set at halos sila na ang nag-occupy ng tent ni female celebrity.

Kaya pina-ban na ang madir sa set para walang gulo at walang maingay.

Noong malaman ito ng madir, nakipag-away pa raw ito sa executive producer ng teleserye at nagbanta pa na ipu-pullout niya ang kanyang anak sa show.

Nakarating sa mga bossing ang ginawang pagwawala ng madir ni female celebrity. Pinatapos na lang kay female celebrity ang teleserye at tuluyan na itong hindi binigyan ng projects dala ng madir nitong pakialamera at bastos.

Kaya ngayon ay sinabihan na ang madir na huwag gumawa ng eksena or else mapipilitan silang bitawan ang female celebrity.

J.Lo may bagong pangalan na

Lantad na sa publiko ang relasyon ni Jennifer Lopez sa baseball superstar na si Alex Rodriguez.

Ang tawag na nga ng media sa kanila ay “J.Rod”.

Kinumpirma na ng dalawa ang kanilang relasyon noong sabay silang um-attend ng 2017 Met Gala sa New York City.

Tinanong din si Jennifer kung kumportable ba siya sa bagong nickname nila na J.Rod.

“It doesn’t matter. I mean, I figured something like that would happen,” pagta tapos pa ni Jennifer Lopez.

vuukle comment

JANICE HUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with