^

Pang Movies

Dingdong ayaw mainitan si Zia

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Best dad ever nga si Dingdong Dantes para kay Baby Zia dahil sinisiguro niya na hindi maiinitan ang anak. Pinatunayan ito sa recent post ni Marian Rivera sa kanyang Instagram stories kung saan pinahahanginan ng Kapuso Primetime King ang isang inflatable pool para sa bonding nila ng kanyang unica hija.

Nakakatuwa dahil nakita namin na super enjoy si Zia rito. As of this writing, nasa Japan ang mag-anak para sa kanilang early summer vacay. Panay nga ang post ng mag-asawa ng photos nila na nakakuha agad ng libo-libong likes sa kanilang followers. 

Samantala, balita namin ay paigting nang paigting ang mga kasong tatalakayin ni Dingdong sa kanyang docu-drama program sa GMA na Case Solved. Isang kaso raw ng pagpatay sa kamag-anak na sinilid sa loob ng isang maleta ang ihahandog nito ngayong Sabado (Marso 18). Paano kaya ito naturing na case solved?

Bitoy may sorpresA  ngayong tag-init

Gaya nang nabanggit ko ay summer is just around the corner na nga. Kaya naman looking forward na kami sa pasabog na hatid ng longest running gag show ng GMA Network na Bubble Gang para sa kanilang summer special.

Naikwento kasi ng Kapuso comedy genius na si Michael V. ito nang minsang nakausap namin siya. “Meron kaming inihanda, abangan niyo. Ang location ay isang napakagandang resort. Basta sigurado akong matutuwa kayo. Makikita nila yung regular namin na portions and gags. Sana wag bumitiw ang audience natin kasi sigurado ako mawawala ang inis n’yo sa init ng panahon.” 

Koreen aprub sa panggugulo kina Alden at Maine

Marami ang bumibilib sa husay sa pag-arte ng Kapuso actress na si Koreen Medina sa GMA Primetime series na Destined To Be Yours bilang si Marjorie. In fact, maraming viewers ang nagsasabi na effective ang kanyang role para mas maging exciting ang well-loved series ng Kapuso Network na pinagbibidahan ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.  

vuukle comment

BABY ZIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with