^

Pang Movies

Biglang pumayat, Ryzza Mae high blood na!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malaki na ang ipinayat ni Ryzza Mae Dizon nang makita namin siya sa backstage ng Eat Bulaga noong Saturday.

“Paano, ang bata-bata pa, high blood na, kaya dina-diet siya ngayon,” komento ng isang nakausap ko tungkol sa pagpayat ng bata.

Kung noon ay pinapayagan si Ryzza na makain ang lahat ng gusto niya, ngayon ay hindi na puwede.

Ayaw na ng kanyang mga doktor!

Naiintindihan naman daw ni Ryzza kung bakit kailangang mag-diet siya.

Hindi naman daw nagrereklamo ang bata na hindi na niya nakakain lahat ng mga pagkaing gusto niya dahil matalinong bata si Ryzza at alam niya na para ‘yon sa kalusugan niya!

Mga ‘ginagamit’ hindi pumatol Keanna ngangang maambunan ng libreng publicity

Hindi lahat ng mga aktor na sinabi ni Keanna Reeves na naka-one-night stand niya ay pinatulan ang issue na ‘yon.

May ibang hanggang ngayon ay tahimik lang.

Sabi ng isang aktor na idinawit ni Keanna sa issue, walang mapapala sa kanya ang kahit na sino. Ni mag-deny ay hindi niya gagawin hanggang mamatay na lang ang issue na ‘yon.

Hindi raw pagagamit si aktor sa gustong mangyari ni Keanna na mas mapag-usapan kung sakaling papatulan pa niya ang issue.

Actually, noon pa man, kapag may kung anu-anong issue kay aktor, NR (no reaction) lang siya.

Una, ayaw ni aktor na masabing gumigimik siya o sumasakay sa mga issue para mapag-usapan.

Kahit nga noong ma-link si aktor sa isang sikat na actress/TV host, NR pa rin siya. Ni hindi siya nag-aksaya ng panahon para patulan ang issue na ‘yon considering na makakatulong talaga sa kanyang career ‘yon dahil itinuturing na isa sa pinaka-top sa showbiz industry ang actress/TV host na natsikang naka-one-night stand din daw niya.

So, sorry na lang si Keanna dahil kahit ano ang gawin niya, hindi sasagot si aktor na idinawit niya sa issue ng mga aktor na naka-one-night stand daw niya.

Elmo sinuswerte sa Kapamilya

Ang very impressive trailer ng Born For You, ang teleserye nina Elmo Magalona at Janella Salvador under Dreamscape ng ABS-CBN.

Suwerte ni Elmo na ang Born For You na kinunan ang karamihan ng big scenes sa Japan ang first teleserye niya sa Kapamilya network.

Napakalaking show ang Born For You at hindi talaga nakakapagtaka na lumipat sa Dos from GMA 7 si Elmo.

Matindi ang pagpu-push na ginagawa ng Kapamilya network sa loveteam nina Elmo at Janella!

vuukle comment

CHARICE

MA. ISABEL LOPEZ

SANDRO MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with