^

Pang Movies

Vice nakakahinga na uli ng normal

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Parang unbelievable kung iisipin na nalampasan ni Vice Ganda ang My Bebe Love sa takilya. Pero balitang nangyari sa katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ibang klase kasi talaga ang mga joke na pinakawalan ni Direk Wenn Deramas, may komento kasi na mga lumang jokes na raw ang nasa pelikula ng AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza) at madalas ay napanood na sa telebisyon.

Kung hindi pa raw sa AlDub loveteam ay baka lalong nakalamang ang Beauty and the Bestie at sinahugan pa nito ng bagets ding loveteam ng JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

Mukhang ayaw talagang pakawalan ni Vice ang koronang nakuha niya noong nakaraang MMFF.

Tiyak na nakakahinga na ngayon ng normal si Vice ha.

Kita ng MMFF, saan ba napupunta?!

Noong araw, ang target talaga ng Manila Film Festival sa kikitain ng filmfest ay para magbigay ng tulong para sa mga artistang may sakit at mga walang pelikula.

Noong sumali lahat ng mga cities sa MMFF, lumaki ang kita nito at bigla na lang nawalan ng biyaya ang mga umaasang taga-showbiz.

Hindi alam kung saan napupunta ang kita gayung milyun-milyon ang sinasabi nilang kinita. Teka, tanong lang, saan nga ba ito napupunta?

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

DIREK WENN DERAMAS

JAMES REID

MAINE MENDOZA

MANILA FILM FESTIVAL

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY BEBE LOVE

NADINE LUSTRE

NOONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with