^

Pang Movies

John Lloyd proud sa pang-iinis

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

May bagong pasisikating character si John Lloyd Cruz sa kanyang official entry movie na Honor Thy Father, si Edgar.

Kung sa katatapos na box office hit movie na A Second Chance ay noted ang actor sa kanyang role bilang Popoy na nagpakilig at nagpaiyak sa marami, ngayon ay kakaibang Edgar ang ipapakilala niya sa manonood na kakainisan at hahangaan din ng kanyang mga fans.

Ayon kay John Lloyd, sa isang interview, hindi niya makakalimutan ang role bilang Edgar hanggang sa kanyang pagtanda.

Mas malalim at intense umano ang kanyang pagkakaganap na maipagmamalaki raw niya sa mga manonood sa MMFF.

Hindi na pinalampas ni John Lloyd ang pagkakataon na makatrabaho niya si Direk Eric  dahil nauna na niyang pinalampas ang pinuri-puring pelikulang On the Job.

Pinalampas din ni John Lloyd ang Heneral Luna na napunta naman kay John Arcilla.

T-shirt sa Miss U nagkalat agad

Kawawang-kawawa pa rin si Steve Harvey kahit nag-sorry itong muli sa dalawang kandidata na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Colombia Ariadna Gutierrez-Arevalo na kahit “wholeheartedly” dahil wrong spelling na pagkaka-tweet nito ng “Miss Phillippians” at “Columbia”.

Samantala, gumana naman ang pagiging negosyante ng mga Pinoy dahil agad-agad nagkalat na ang mga t-shirt na may #ConfidentlyBeautifulwithaHeart, na sa final Q & A at isa sa nagpanalo sa kanya. Tiyak na madadagdag pa ng mga iba’t ibang items na nakalagay ang pang Miss Universe na hashtag lalo na ngayon Pasko hanggang Bagong Taon na swak na pangregalo o pang-rampa suot ang t-shirt.

vuukle comment

A SECOND CHANCE

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

DIREK ERIC

HENERAL LUNA

HONOR THY FATHER

JOHN ARCILLA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with