^

Pang Movies

Thank you Kapamilya!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mixed emotions ang nadama ng mga dumalo sa Thank You for the Love Christmas party for the press ng ABS-CBN kamakailan. Habang nagsasaya kasi ang lahat ay biglang nagkaroon ng panandaliang katahimikan para sariwain ang mga kasamahan sa press na kinuha na ni Lord.

Malaki ang paghanga namin kay Kane Choa na over all na namahala ng party nung gabing iyon. Katuwang pa niya ang walang kapagurang si Kathy Solis.

Pagkatapos naman ng sunud-sunod na pa-raffle ay ipinasok nila ang Your Press Sounds Familiar. Akala namin ay si Pink Biazon ang mananalo dahil super papuri ang mga judge sa kanyang pagkanta at pagsayaw. Pero si Janice Navida ang nanalo sa paggaya nito sa Aegis. Nagwagi siya ng P20,000.

Nag-tie na sina Rey Pumaloy at Ambet Nabus na second placer pareho. At ang pinakahuli ay ang babaeng-babaeng si Alex Brosas sa pag-impersonate niya kay Imelda Papin. Medyo kahawig niya pala si Jaclyn Jose.

Sayang at hindi kami nanalo dahil hindi kami suwerte sa computerized raffle. Para kasing nauutusan ito kung sino ang gustong papanalunin.

Pero maraming-maraming salamat pa rin sa ABS-CBN. Merry Christmas!  Ang saya-saya ng inyong party para sa aming manunulat.

Janella love na love ni Mother Lily

Ang suwerte ni Janella Salvador dahil mahal na mahal siya ni Mother Lily Monteverde. Pinagkatiwalaan kasi siya nito agad ng malaking papel sa Haunted Mansion na kabilang sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ibang klase talaga mag-build up si Mother.               

vuukle comment

ALEX BROSAS

AMBET NABUS

ANG

HAUNTED MANSION

IMELDA PAPIN

JACLYN JOSE

JANELLA SALVADOR

JANICE NAVIDA

KANE CHOA

KATHY SOLIS

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with