^

Pang Movies

Carla limang buwan ang tiniis bago pumayat

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bago in-introduce si Carla Abellana as the new celebrity endorser ng Vita-E ng ATC, ipinakita muna ang audio-visual presentation habang ipini-pictorial siya ng international photographer na si Nigel Barker. Humanga ang mga dumalo sa launch nang finally ay umakyat na sa stage si Carla na ang laki na ng ipinayat at mas blooming kaysa noong medyo chubby siya.

Hindi naman inilihim ni Carla sa presscon ng primetime drama series na Because of You sa GMA 7 na limang buwan ang iginugol niya para bumaba ang kanyang weight na hindi kailangang ma-deprive siya sa pagkain. Mas marami siyang kinakain na vegetables, tamang exercise at ang pagti-take nga niya ng Vita-E na malaking tulong para maalis ang skin radicals at maging smooth ang feeling niya.  Sa tanong kung paano niya nami-maintain ang smooth skin bukod sa pag-inom ng Vita-E, lagi raw siyang umiinom ng plenty of water. Kapag lu­malabas daw ay may sunblock siya at laging nag-aapply ng moisturizer.  Advice rin niya ang matulog ng eight hours sa gabi.

Hindi rin naiwasang tanungin si Carla tungkol sa fans niyang hindi nagustuhan ang pagsama niya sa campaign ad ni presidentiable Mar Roxas. Alam daw niyang part of the risk iyon kapag nag-endorse ng politician. This is a free country naman daw at may karapatan tayo to choose our candidate.

Samantala, maraming ipinagpapasalamat si Carla sa Paskong ito at sa papatapos na taon dahil bukod sa pagiging endorser ng Vita-E, tumataas ang rating ng kanyang primetime drama series, bukod pa na ang kanyang cooking show na Kitchenomics ay nasa season 3 na.

Janella nasindak sa sariling pelikula

Feeling blessed si Janella Salvador dahil bi­nig­yan siya ng opportunity ng Regal En­­ter­tain­ment na mag-bida sa Haunted Mansion with her two leading men, Jerome Pon­­ce and Marlo Martel. Dahil horror movie, may mga eksena talagang kahit alam naman nilang hindi totoo, pero natatakot pa rin sila. Tulad ng isang eksena na hinagis-hagis siya kung saan-saan ng evil spirit. Oo raw na medyo naka­katakot, pero hindi naman siya nasaktan. Basta ang promise nila, tatakutin talaga ng movie ang mga manonood sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry.

Ayon naman kay Mother Lily Monteverde, wala man silang episode nga­yon ng Shake, Rattle & Roll, dito raw sa Haunted Mansion, masi-shake, mara-rattle, at magro-roll ang mga manonood tulad ng ginagawa taun-taon ng tatlong episodes nila ng horror movie. Humingi rin siya ng suporta sa movie dahil wala man siyang sari­ling television network na pagpapalabasan ng trailers ng mo­vie, naniniwala siyang magugustuhan ng mga manonood ang Haunted Mansion na idinirek ni Jun Lana.

Meanwhile, ayon sa manager ni Janella, magsisimula nang mag-taping sa January 4, ang young star ng bagong soap nitong Born For You katambal si Elmo Magalona. Ang romantic-comedy series ay ididirek ni Dan Villegas for Dreamscape.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BECAUSE OF YOU

BORN FOR YOU

CARLA

HAUNTED MANSION

JANELLA

NBSP

SHY

SIYA

VITA-E

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with