^

Pang Movies

Aicelle naimbitahan sa APEC

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bongga ang Pinoy Pop Superstar winner na si Aicelle Santos!

Ang GMA Artist Center talent ang naimbita para mag-perform bukas, Monday, sa harap ng mga world leaders sa Malacañang Palace at sa Marriott Hotel for the Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 Summit.

Hindi naman kataka-takang maimbita si Aicelle dahil maipagmamalaki talaga ang pang-world class at powerful voice niya.

Paolo umiiwas pag-usapan si LJ

Inamin ni Paolo Contis na sinasadya na niyang huwag mag-attend ng presscon ng mga projects na ginagawa niya o kung mag-attend man siya, umaalis agad siya after mai-launch ang project.

Maraming naghanap sa kanya noong press launch ng Little Nanay pero hindi siya umapir, for the simple reason na hindi pa raw niya alam talaga kung ano ang character niya.

Ang alam daw kasi niya, special appearance lang siya pero sinabihan na raw siya na magtutuluy-tuloy na ang character na gagampanan niya.

Ano ang reason na mukhang happy siya ngayon, nang makausap namin after the presscon ng Angela Markado na gumaganap siyang isa sa rapists ni Andi Eigenmann sa movie na dinidirek ni Carlo J. Caparas.  Si LJ Reyes ba ang dahilan ng happiness niya ngayon?

“Sabihin na lamang natin she brought the positive thing in me,” sagot ni Paolo. “Basta masaya ang buhay ko ngayon, ayaw ko nang pag-usapan ang perfonal life ko ‘di tulad noon.  There’s no point na idepensa ko ang sarili ko pagkatapos ng mga nangyari. Tama na iyong masaya ako kay LJ at lagi ko ring nakakausap ang dalawang anak ko na nasa Cebu, hopefully makita ko sila sa Christmas.”

Manoy Eddie Garcia, in-import na rin sa kalyeserye

Naging sentimental si Lola Nidora (Wally Bayola) sa pag-aakala na walang nakaalaala na birthday niya kahapon, November 14.  Pero naiyak pa rin siya sa surprise birthday party na inihanda nina Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Yaya Dub (Maine Mendoza).

Special guest si Helen Gamboa na dala ang mga paboritong pagkain ni Nidora. Dumating din si Lola Babah (AiAi delas Alas) at ang kapatid niyang artista, si Don Eduardo Rockeffeler (Eddie Garcia) na nag-promote pa ng Little Nanay na airing na raw bukas after ng MariMar.

Ipinakilala ni Alden Richards si Yaya Dub sa mga lolo at lola niya, kaibigan daw ba o kasintahan ni Alden si Yaya Dub?

Dahil nagiging bata na raw si Lola Nidora, children’s party ang inihanda nina Tidora at Yaya at nagkaroon sila ng newspaper dance na siyempre ay ikinakilig ng mga fans sa studio nang buhatin ni Alden si Maine, sumabit sa likod ni Alden at sa huli, muling binuhat ni Alden si Maine na kung tutol si Nidora, itinutulak naman sila ni Babah para magkalapit sila.

Kung pinagbigyan daw ni Nidora noong birthday niya si Babah, na bigyan ng palugit ang paghahanap ni Alden ng nawawalang singsing, bibigyan daw naman niya ng palugit si Nidora para mabayaran ang 20 million pesos na pagkasangla ng mansyon.

Pero kung hindi na talaga makikita ni Alden ang singsing, babayaran na raw lamang nila ang halaga ng singsing na nawawala, magkano raw ba ang singsing.  Worth 21 million daw naman ang halaga ng singsing, ibig sabihin, mababawi na ni Nidora ang mansiyon, kumita pa siya ng one million pesos.  Pumayag kaya si Lola Babah at si Don Eduardo?

vuukle comment

ACIRC

AICELLE SANTOS

ANG

LITTLE NANAY

LOLA BABAH

LOLA NIDORA

NBSP

NIDORA

NIYA

SIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with