^

Pang Movies

Carla ready na sa ‘tamang panahon’

- Vinia Vivar - Pang-masa

Parehong thankful and happy sina Carla Abellana and Tom Rodriguez na nabigyan ulit sila ng movie project ng Regal Films, ang No Boyfriend Since Birth pagkatapos ng So It’s You noong 2013.

“Super thankful ako na at least nabigyan kami ulit ni Tom ng pagkakataon na makagawa ulit ng pelikula, magkasama kami. Kasi every project na naibibigay sa amin, parang iniisip namin, last na ‘yun. Siyempre, sulitin na natin, we never know kung kaylan ulit tayo mabibigyan ng pagkakataon na gumawa ng teleserye or pelikula.

“So, thankfully naman, nabigay po sa amin itong No Boyfriend Since Birth, kaya siyempre, na-excite kami,” say ni Carla sa presscon last Tuesday night.

Sabi naman ni Tom, pinagdasal daw niya talaga itong opportunity na magkatrabaho ulit sila ni Carla.

“Kasi ngayon pa lang, tapos na naming kunan and i-shoot ‘yung movie, nami-miss ko na siyang katrabaho. ‘Yung mga pag nagre-review sa set, nagme-make-up, mangungulit na ako,” kwento ni Tom.

Sobrang nag-enjoy daw talaga siya doing the film at parang hindi nga raw siya nagtatrabaho.

“I had so much fun here, siguro, the most fun I’ve had in a very. . .” say pa ni Tom.

Matagal-tagal na ring nali-link sina Carla and Tom at ang tsismis ay sila na talaga pero wala pang official na pag-amin na nagaganap sa kanila kaya sa presscon ay talagang ginisa sila nang husto kung ano ba talaga.

Ang tanong na nga sa dalawa ay kung kelan ba dumating ang tamang panahon sa kanila but still, ang sagot ni Carla, hindi pa nga raw dumadating.

“Sa lahat ng bagay, may tamang panahon, lagi namang sinasabi ni Lola (Nidora sa Kalyeserye ng Eat Bulaga), so, may tamang panahon na nag-meet kami ni Tom in the past, may tamang panahon na nakapagteleserye kami, nakapag-movie kami, itong No Boyfriend Since Birth, ako naniniwala ako na lahat, perfect timing. Kasi, ‘yan ‘yung oras na binigay ni God. Parang in God’s time, di ba? We’ll see. Ako, never ko nahuhulaan talaga,” pahayag ni Carla.

Gayunman, ready naman daw siya if ever na dumating ang tamang panahon para sa kanila ni Tom.

“Basta ‘yun, ready ako for sure kung kelan man ‘yun,” she said.

Ano ba ang hinihintay? Hindi ba sila exclusive to each other?

“Nagde-date naman po kami. Basta ang sa amin lang po ni Tom, hindi namin pinipilit ang mga bagay-bagay, walang pressure rin sa isa’t isa, one day at a time, ‘yung ganu’n,” sey ng aktres.

But are they together now?

“We date each other,” sabay tawa.

Exclusively?

“Di ko alam kung matatawag siyang ganu’n. Parang ganu’n na parang hindi na oo,” tila nalilitong sagot ni Carla.

Nang si Tom naman ang matanong, ayon sa aktor, hopeful naman daw siya at ipinagdarasal niyang dumating na ang tamang panahon para sa kanila.

“If anything, for me, mas lalong lumalalim. Ako, I really genuinely enjoy every moment we spend together whether at work or. . .Kaya even at work, our working relationship is still as good as ever. In fact, I find myself enjoying the whole process more and more,” sabi ni Tom.

Gaano na sila katagal na exclusively dating?

“Over a year,” sabi ni Tom.

Pero hindi pa rito natapos ang panggigisa sa kanila dahil maya-maya ay natanong na naman sila kung may namamagitan ba talaga sa kanilang dalawa dahil obvious naman that there is at baka hindi lang nila maamin.

“Oo, lagi naman po naman naming sinasabi na special kami sa isa’t isa. Nasa sa inyo po ‘yun. Kayo po ang magbibigay ng label,” say ni Carla.

Samantala, sa pelikula ay gagampanan ni Carla ang role na Karina Miranda na no boyfriend since birth dahil hinihintay niya ang lalaking naging crush niya noong high school, si Carlo na ginagampanan naman ni Tom.

Showing na sa Nov. 11 ang No Boyfriend Since Birth mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

CARLA

CARLA AND TOM

EAT BULAGA

KAMI

KASI

NAMAN

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH

TOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with