^

Pang Movies

The Mysterious Island at Superman babalik ngayon!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Maghanda na sa mga kapana-panabik na eksenang hatid ng Kapuso Movie Festival at GMA Blockbusters ngayong Linggo, Agosto 9.

Sa ganap na ika-10:45 ng umaga, tunghayan ang pelikulang Journey 2: The Mysterious Island kung saan bida sina Dwayne Johnson, Josh Hutcherson, at Vanessa Hudgens. Sa pagpapatuloy ng adventures ni Sean Anderson (Josh Hutcherson), hahanapin niya ang isang islang hindi nakatala sa kahit anong mapa. Matapos makatanggap ng isang misteryosong coded signal ay hihingi siya ng tulong sa stepfather niyang si Hank (Dwayne Johnson) para hanapin ang nasabing isla. Sa tulong din ng helicopter pilot na si Gabato (Luis Guzmán) at ang kanyang anak na si Kailani (Vanessa Hudgens) ay susuyurin nila ang South Pacific para lang malaman kung sino ang nagpadala ng misteryosong signal. Matagpuan kaya nila ang isla at ang taong maaaring naninirahan dito?

Samantala, sa pelikulang Superman Returns, magbabalik ang tinaguriang Man of Steel matapos mawala sa eksena nang mahabang panahon. Matutuklasan niya ang malaking pagbabago sa mundo, pati na rin sa mga taong minsan niyang nakilala. Isa si Lois Lane sa mga taong matagal nang tinanggap ang kanyang pagkawala, at sa pagtatangkang makisabay sa makabagong mundo, malalaman niyang patuloy pa rin ang kasakiman ni Lex Luthor (Kevin Spacey). Magawa kaya niyang protektahan ang mga taong kanyang iniwan at matagal na siyang kinalimutan? Huwag palampasin ang maaaksyong eksena sa GMA Blockbusters ngayong Linggo.

vuukle comment

ANG

DWAYNE JOHNSON

JOSH HUTCHERSON

KAPUSO MOVIE FESTIVAL

KEVIN SPACEY

LEX LUTHOR

LINGGO

LOIS LANE

LUIS GUZM

MAN OF STEEL

VANESSA HUDGENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with