^

Pang Movies

Ryan nakipag-dramahan sa kabaklaan!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magaling naman palang artista si Ryan Agoncillo! He! He! He!

Isa si Ryan ang bida sa episode na Pinagpalang Ama ng Eat Bulaga Lenten Drama kung saan isa siyang klosetang bading. Kapatid niya sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Eh kaso, matapobre siyang kapatid kina Jose at Wally. Bongga ‘yung eksenang nagsasagutan silang dalawa – Jose at Wally laban kay Ryan! Mga baklang gurang!!!

Hayun at nakatikim siya ng dalawang sampal! At pagdating ni Joey de Leon, hayun at nabigwasan din siya ng sampal dahil sa pagsagot sa mga nakatatandang kapatid, huh!

Tunay ngang ‘pag komedyante, magaling magdrama! Pero si Ryan, kahit hindi komed­yante talaga ang image, kabilib-bilib din ang akting! Hindi na solo ni Judy Ann Santos ang magaling sa drama, huh!

Ngayong araw na ito, Miyerkules Santo, ang magpapaiyak naman ay si Ma­rian Ri­vera sa Aruga ng Puso at si Vic Sotto sa kuwento na Sukli ng Pagmamahal na kinunan sa isang baryo sa Cebu.

Dahil sa tambak na trabaho, Liza bumigay ang katawang-lupa

Dinali raw ng overfatigue ang alaga ni Ogie Diaz na si Liza Soberano kaya bumigay ang kanyang katawang-lupa.

Wala nga namang dahilan si Liza upang magreklamo sa trabaho. Todo ang ABS-CBN sa paggu-groom ng loveteam nila ni Enrique Gil sa Fore­vermore.

So hangga’t mainit ang pagtanggap ng publiko, go lang nang go dapat ang attitude ni Liza. At least, hindi arte ang kanyang pagkakasakit, huh!

‘Pag sikat na sikat na siya, may karapatan na siyang magbigay ng kundisyon sa bawat trabaho niya, huh!

Senior actress naagawan na ng trabaho dahil sa rami ng demand

Nawawala na talaga sa eksena ang isang se­nior actress. Hindi na siya laman ng mga teleserye nga­yon hindi gaya nu’ng talaga namang halos mawalan na siya ng tulog dahil sa trabaho!

Umiral na rin kasi ang pagiging maarte ng senior actress. May mga demand na siyang imposible, huh!

Buti pa ‘yung isang senior actress na mas bata sa kanya. Kaliwa’t kanan ang projects at walang isyu sa kanya kung anuman ang role na ibigay.

Eh sa totoo lang naman, ayon sa staff ng prog­ramang kasama ang in demand na actress ay ang nakababatang senior actress ang mas magaling umarte kumpara sa mas senior sa kanyang actress, huh!

vuukle comment

ACIRC

ACTRESS

ANG

ENRIQUE GIL

JOSE MANALO

JUDY ANN SANTOS

LIZA SOBERANO

MIYERKULES SANTO

OGIE DIAZ

PINAGPALANG AMA

RYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with