^

Pang Movies

Dalawang TV host pinaghiwalay ng dressing room para hindi ‘magpatayan’ ang kani-kanilang stylist

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Muntik nang magkaroon ng matinding pisikalan ang dalawang stylist ng dalawang TV host na ito.

Hindi raw nagustuhan ng stylist ni Host A ang mga pinagsasabi ng stylist ni Host B.

Ayon sa aming source, inookray daw ni Stylist B ang mga dalang damit ni Stylist A kapag wala ito sa loob ng dressing room. Kung anu-ano pa raw ang description nito sa mga pinapasuot daw ni Stylist A sa dinadamitan nitong host.

Noong may magsumbong kay Stylist A sa mga sinabi ni Stylist B, agad daw itong sumugod sa dressing room kesehodang nandoon ang mga dinadamitan nilang mga hosts.

Pinaalala ni Stylist A na matagal na siyang stylist doon at ilang mga celebrities na ang nadamitan niya na wala namang reklamo sa kanya.

Kumpara naman kay Stylist B na bagong salta lang at sa pagkakaalam niya ay ang dinadamitan niyang host ang kliyente nito. Kaya wala raw itong karapatan na mang-okray lalo na kapag nakatalikod na ito.

“Huwag kang magtangkang magreyna-reynahan dito dahil maraming mga mata at tenga sa paligid. Makakarating sa akin ang mga sinasabi mo,” talak ni Stylist A.

“Kung gusto mong ahasin ang kliyente ko, sige subukan mo pero sigurado akong tatanggihan ka niya. Kaya maghanap ka ng ibang maaahas mo.”

Namagitan na sa dalawa ang mga host na dinadamitan nila at sinabing maghiwalay muna sila para mawala ang tensyon. Nag-sorry si Host B kay Host A dahil sa inasal ng kanyang stylist.

Pinagsabihan na raw niya ito na huwag mang-okray dahil wala siya sa teritoryo niya.

Gayundin si Host A na nag-sorry dahil alam niyang unstoppable ang kanyang stylist kapag dinedepensahan nito ang kanyang mga kliyenteng dinadamitan.

Kaya ang naging solusyon para wala nang bangayan na mangyari, binigyan ng magkahiwalay na dressing room ang mga host para hindi nagkikita ang kanilang mga stylists.

Mabuti na raw iyon dahil baka may lumabas na duguan kapag nag-engkuwentro na naman ang dalawa.

Bea magpapaka-daring na pagka-debut

Super conscious si Bea Binene sa kanyang suot na jumpsuit sa naganap na press conference ng pelikulang Liwanag sa Dilim na produced ng APT Entertainment.

Bukod kasi sa plunging ang neckline nito, may cut-out pa ito sa likod kaya hindi lang ang kanyang cleavage ang kita kundi pati ang kanyang likod.

Kaya panay ang hatak niyang pataas sa para matakpan ang kanyang dibdib.

“Nahihiya po ako! Hindi po ako sanay na may nakakapansin sa cleavage ko!” tawa pa ni Bea.

“Hindi ko naman po sinadyang isuot ito dahil sexy. Okey naman siya at hindi ko naman napansin na makikita ang cleavage ko. Noong may mga bumabati na, doon na ako na-conscious. Nahihiya po ako promise!”

May rason naman para medyo mahiya si Bea dahil hindi pa raw siya ready para magsuot ng mga sexy na damit. Mag-18 years old pa lang si Bea ngayong taon. Kaya pagkatapos daw niyang mag-debut, doon na raw siya papayagang magsuot ng mga sexy na damit.

Inamin ni Bea na meron ngang mga nagtatangka pa rin na manligaw sa kanya kahit na boyfriend nito si Jake Vargas. Agad naman daw niyang sinusupalpal ang mga ito.

“Meron po talaga. Pero siyempre, hindi ako paasa sa kanila. Alam naman nila kung ano ang status ko kaya ‘yun ang pinagdidiinan ko sa kanila.

“I mean, respeto na lang sa relasyon namin  ni Jake,” pagtatapos pa ni Bea Binene.

 

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

HOST

HOST A

KAYA

STYLIST

STYLIST A

STYLIST B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with