^

Pang Movies

Miriam gusto na ring mabuntis

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Balik-acting si Miriam Quiambao at natutuwa ito na napasama siya sa Second Chances.

Tinanong namin ang former beauty queen kung kelan ito magbubuntis na ikinasal last year kay Eduardo Roberto, Jr.

“We are planning for it. God willing sana within this year.

“Pero kailangan ko pa munang magpapayat. Med­yo tumaba tayo nitong nakaraang Holidays, eh. Konting exercise at diet, I think babalik na ulit ako sa dati kong weight.

“Pero hindi na ‘yung weight at size ko noong 1999 huh! Mahirap nang habulin ‘yon!” tawa pa niya.

Hiningan namin ng comment si Miriam tungkol sa bagong Miss Philippines na si Mary Jean “MJ” Lastimosa at ano ang chances nito sa nalalapit na Miss Universe on January 26.

“I’ve met MJ noon pa. I think three times na siyang sumali sa Bb. Pilipinas before she got the title.

“I find her so beautiful. Malakas ang dating niya and she speaks so well. Maganda ang pagdala niya sa sarili niya. So let’s all pray that she gets that chance. Na kay God naman lahat ‘yan kung mananalo siya or hindi,” pagtatapos pa ni Miriam Quiambao.

Glenda type ang pagiging istrikto ni Direk Laurice

Kitang-kita na magaling na magaling na si Glenda Garcia mula sa kanyang naging sakit na breast cancer.

Sa press launch ng GMA teleserye na Second Chances, malusog na malusog nga siyang tingnan at nandoon pa rin ang kanyang ngiti. Sabi ng aktres, nagpapasalamat siya na nabigyan siya ng “second chance” in life dahil inakala niya na hindi na siya tatagal pa noong malaman niya ang kanyang sakit.

“Sa paniniwala ko sa Diyos at sa dasal, nakayanan natin ito. Ngayon, pinagaling Niya tayo and I live long enough to see my first apo,” sabay tawa niya.

Si Laurice Guillen ang director ng Second Chances at ito ang ikalawang beses na makatrabaho siya ni Glenda. Una silang nagkatrabaho sa Akin Pa Rin ang Bukas.

“Gusto kong katrabaho si Direk Laurice dahil alam niya ang gusto niyang gawin parati. Nandoon ‘yung pagiging strict niya—para siyang teacher noong mga bata tayo.

“Pero matututo ka at ang mga co-stars kong mga bata ay maraming natututunan sa kanya tuwing ­taping namin.

“Naninibago sila sa style ni Direk Laurice pero at the same time, excited silang matuto from her dahil alam nila kung gaano siya kagaling na artista at director. We are lucky to be working with her now,” pagtatapos pa ni Glenda Garcia.

vuukle comment

AKIN PA RIN

DIREK LAURICE

EDUARDO ROBERTO

GLENDA

GLENDA GARCIA

MIRIAM QUIAMBAO

NIYA

PERO

SECOND CHANCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with