^

Pang Movies

Nash Aguas pinalalakas ang ina

Pang-masa

MANILA, Philippines - Anak na handang gawin ang lahat para sa kanyang ina ang karakter na gagampanan ng Bagito star na si Nash Aguas sa family drama episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Disyembre 27). 

Mula pagkabata ay naging pangarap na ni Christian (Nash) na pasayahin ang kanyang nanay na si Liezel (gagampanan ni Ara Mina) na labis na nalugmok sa kalungkutan matapos iwan ng kanyang asawa. Nagsumikap si Christian na maging mahusay na mag-aaral at kalauna’y naging miyembro pa ng isang orchestra—isang karangalang inakala ni Christian na lubusang makapagbabalik ng mga ngiti ng kanyang ina. 

Anong uri ng kalungkutan ang bumabalot sa isang tao para kitilin ang sariling buhay? Paano kinakayang maging malakas ng isang anak para sa isang ina na suko na sa mga pagsubok ng buhay? 

Mapapanood rin sa MMK ngayong Sabado sina Deydey Amansec, Archie Alemanya, Eva Darren, Casey de Silva, Jeffrey Hidalgo, Elaine Quemuel, at Jessette Prospero. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel C. Naval at panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio.

vuukle comment

ARA MINA

ARAH JELL BADAYOS

ARCHIE ALEMANYA

BENSON LOGRONIO

DEYDEY AMANSEC

ELAINE QUEMUEL

EVA DARREN

JEFFREY HIDALGO

JESSETTE PROSPERO

MAALAALA MO KAYA

NASH AGUAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with