^

Pang Movies

Ellen may natutunan nang magbuyangyang ng hiyas

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kinakabog ang dibdib ni Ellen Adarna dahil siya ang humali­li sa trono ni Marian Rivera bilang 2015 Ginebra San Miguel Calendar Girl. Pero ikinatuwa niya ang pagkapili sa kanya dahil ambisyon niyang maging calendar girl ng inumin.

Ang pagiging matapang sa pagpapakita ng katawan ang na­ging pasaporte ni Ellen upang pumukaw sa pansin ng kalalakihan at ngayon nga ay nabiyayaan naman siya ng mga trabaho. Pero deklara niya sa launching niya bilang calendar girl, boobs lang ang ipinaretoke niya.

‘Yun nga lang, sa isang pictorial sa isang magazine, lumabas sa social media ang mga pictures niyang sumilip ang private parts niya. Nagsilbing lesson ‘yon sa sexy actress dahil wala silang pinirmahan ng manager na kontrata.

“Pero sa Ginebra, ipinakita ang shots sa akin at maayos ang treatment nila sa akin,” pahayag ni Ellen.

Dahil sa pangyayari, tahimik na lang si Ellen sa mga hakbang na gagawin.

Sa nasabing launching ni Ellen, ipinakilala rin ang mga ordinaryong tao na binigyan ng Ganado sa Buhay award.

Sa ngayon, katatapos lang ni Ellen ng pelikulang Beauty in a Bottle at after Moon of Desire, gagawin niya sa ABS-CBN ang Pasion de Amor.

Ruru mahilig sa cougar!

Simula na ang labanan nina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix sa episode tonight ng Magpakailanman ng GMA na The Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Sa­ntos Story. Silang dalawa ang ginu-groom ng GMA Artist Center na next heartthrobs, kaya naman todo ikinakasa na ang co­ming projects na magpapatingkad sa kakayahan nila at kaguwapuhan.

Si Direk Maryo de los Reyes ang manager nina Ruru at Miguel na sang-ayon din na sila ang pagtapatin.

“Nag-uusap nga kami ni Direk Maryo, sinasabi nga niya na gusto niyang mag-compete kami sa isa’t isa. Una naming pagsasama sa TV ang Magpakailanman dahil sa susunod daw, sa pelikula na kami at mag-aaway na! Ha! Ha! Ha!” sey ni Ruru nang makausap ng press sa taping ng weekly drama na hinu-host ni Mel Tiangco.

Komo nga pinagtatapat, sila na raw ni Miguel ang magiging susunod na prinsipe ng mga drama sa GMA, huh!

“Ay! Sana po! Sana po! Ako naman po, naghu-hope na sana totoo po lahat ‘yon. Gagawin ko ang best ko sa anumang project na ibigay nila sa akin. Saka hindi ako magiging pasaway! Ha! Ha! Ha!” rason ng young actor.

Pagdating naman ng pagkakaroon ng crush sa mga GMA female actresses, kapwa nila crush ni Miguel si Marian Rivera. ‘Yun nga lang, nang mag-guest ang bida sa nagtapos na Niño sa dance show na Marian, nabanggit ng aktres na crush din niya si Miguel, huh!

“Selos nga ako! Ha! Ha! Ha! Siyempre, crush ko rin si Ate Yan Yan!” bulalas ni Ruru.

Kaya naman hangad din niya makasama sa soap si Marian bukod sa kasama niyang young actress na si Gabrielle Garcia sa My Destiny.

“Gusto ko rin pong makasama si Solenn (Heussaff). Mahal ko na siya! Hindi! Joke lang! Ha! Ha! Ha! Crush ko rin talaga si Solenn,” saad ng young actor.

Parang mahilig siya sa babaeng may edad sa kanya, huh!

“Dati na po akong ganoon. Hindi ko po alam kung bakit. Kahit hanggang forty five ang babae, gusto ko po! Hindi. Joke lang! Ha! ha! Ha!” bawi ni Ruru.

vuukle comment

ARTIST CENTER

ATE YAN YAN

CEDRIC MACDON AND JOVEN SA

DIREK MARYO

MARIAN RIVERA

MIGUEL

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with