^

Pang Movies

Birthday concert ni AiAi kanselado

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi muna itutuloy ni AiAi delas Alas ang balak na birthday concert sa November dahil sa kakulangan ng oras para mag-rehearse.

Imbes na birthday concert, maglalabas si AiAi ng bagong record album at tinitiyak niya na matutuwa ang lahat, lalo na ang showbiz press sa kanyang pasabog na sorpresa.

Taun-taon, never na nakakalimot si AiAi na magpasalamat sa entertainment press. Para sa 2014, mas bongga ang inihahanda ni AiAi para sa lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Richard maraming pinaiyak sa isang eksena sa The Trial

Pinupuri ang acting ni Richard Gomez sa The Trial. Umiyak ang mga nanood ng The Trial sa eksena na pinapanood ni Richard ang video ng kanyang pumanaw na anak na ginampanan ni Enrique Gil.

Given ang husay ni Richard sa pag-arte at ebidensya ang mga acting trophy na napanalunan niya.

Hindi naman siya katulad ng ibang aktor na tsamba lang ang pagkakaroon ng acting award.

Young actor isang tapilok na lang at buking na ang kabaklaan

Questionable ang sexual preference ng young actor na never na napabalita na nagkaroon ng girlfriend.

Nabuhay ang isyu tungkol sa pinaghihinalaan na sexual preference ng aktor dahil malamya ang ac­ting niya sa isang TV show.

Pansin na pansin ng viewers ang umaarko na kilay ng young actor at ang pagtilamsik ng daliri  niya sa kanyang mga dramatic scene.

Feel na feel ng viewers na isang tapilok na lang, bibigay na ang aktor na itsinitsismis na bading ng kanyang mga kaklase at kapit-bahay sa bayan na pinanggalingan niya.

Alden tumitikim ng ‘langit’ kahit patung-patong ang trabaho

Kinilig ang mga baklita sa dialogue ni Alden Richards sa presscon ng Ilustrado na kahit busy sa work, may time siya na tumikim ng “langit”.

Feel na feel ng mga vaklush ang naughtiness ni Alden na Mr. Clean ang image pero may itinatago pala na kapilyuhan.

May-I-research ngayon ang mga vaklush. Gusto nilang malaman ang name ng lucky girl na nagparating at nagpatikim kay Alden ng “langit”.

Hindi naman nila mapilit si Alden na magsalita dahil very secretive siya kapag ang personal life ang topic.

Isang bagay ang sure, hindi si Kylie Padilla o Solenn Heussaff ang lucky girl dahil may lovelife ang dalawa. Sina Kylie at Solenn ang leading ladies ni Alden sa Ilustrado, ang Bayani Serye ng GMA-7 na kapalit ng My Destiny na nag-goodbye kagabi sa ere.

Advocacy sa mga batang may bingot ni Marian, tagumpay

Nagpapasalamat kay Marian Ri­vera ang mga magulang ng mga bata na bingot na naging normal ang mga hitsura dahil sa kanyang tulong.

Successful ang advocacy ni Marian na maging normal ang ngiti ng mga bata na isinilang na may kapansanan ang nguso sa pamamagitan ng operasyon dahil marami ang sumuporta at nagbigay ng tulong.

Alam na natin ngayon ang isa sa mga dahilan kaya patuloy na sinusuwerte si Marian na marunong mag-share ng blessings sa mga nangangailangan.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BAYANI SERYE

ENRIQUE GIL

ILUSTRADO

KYLIE PADILLA

MARIAN RI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with